Gabi na kami nakarating sa La Union, nag chopper na nga kami ‘e, kaso masyadong maraming kinausap ang aking asawa kaya natagalan kami. “Okay na ba sayo ‘to, para sa atin?.” Tanong ni damonyo habang nagliligpit ng mga dala niya na gamit. “Nang-aasar ka ba? Sanay ako sa hirap, ikaw ang tanong kung okay na sayo ‘to?. Isa pa, paano kapag nalaman ng mga empleyado na magkasama tayo sa iisang Villa? Ano iisipin nila sa akin?.” “Wala akong pakialam, subukan nila magsalita ng masama sayo at marinig ko mismo.” Seryoso na sagot sa akin ni Damon. Hindi ko alam bakit lately naging seryoso na naman ito, natatakot tuloy ako na biruin siya dahil parang bubuga lagi ng apoy. “D—Sir, kamusta pala ang pinapagawa mo na shielter?.” “Damon na lang kapag tayong dalawa lang, kahit sa labas kung anong

