Gabi na ako ng nakarating sa bahay ni Andrea. Namili pa kasi ako ng stock sa refrigerator. Magluluto ako ng nilagang baka para may sabaw na mahigop ang asawa ko na kanina ay mukhang nalalata at nanghihina. “Damon, nakakasuka ang amoy ng niluluto mo.” Reklamo ni Andrea habang ako naman ay bangong-bango sa amoy ng siling pang sigang. “Damon, gusto ko ng strawberry na white, dragon fruit na white, tapos cherry na kulay white.” Napatulala ako sa mga sinabi ng aking asawa. Lahat kulay white, at lahat hindi season ngayon.” “Okay, magpapahanap ako sa kaibigan ko.” Sabi ko sa aking asawa sabay talikod dito para tawagan ko si Rico. Mura ng mura ang kaibigan ko dahil saan daw siya maghahanap ng mga yun. Kaya tumawag ako sa kanya ‘e, dahil wala din akong ideya kung saan. Ang alam ko lang

