“Ugh! Ang sarap ng tubig, ang init.” Ungol ni Andrea, nandito kami sa loob ng Villa at may hot spring dito sa loob. Nakakatuwa ang set-up nito, may banyo din sa gilid at masasabi ko na maganda para sa mga bagong kasal, may privacy talaga. “Hindi ko alam paano nagawang alisin ni Allen Jane ang bahagi ng video kung saan siya ang nauna, siya ang nag saboy ng juice sa akin.” Pagbubukas ng babae sa usapan. Hindi ako umiimik at nakikinig lang. Alam ko naman, pero wala pa akong nakikita na solid evidence. “Hindi ka ba sa akin naniniwala?.” Malungkot na tanong sa akin ng aking asawa kaya napangiti ako habang umiiling. “Ikaw lang ang paniniwalaan ko, don't worry.” Sabi ko sabay iwas ng tingin dahil para na naman akong dinuduyan ng kanyang malamyos na boses. Parang may mga paru-paru na

