Pabalik balik na naglalakad si Sandra sa kanyang kwarto na tila asong naiihi habang kagat kagat ang pang-ibabang labi. Umuwi siya nang mas maaga kaysa sa usual na oras niya dahil talagang antok na antok siya kanina at nakakailang balik na rin siya sa cr dahil sa pagduduwal. Dahilan iyon ng pagkain ng matalik na kaibigang si Ella na naiwan pa ang amoy niyon sa kanyang opisina. Nagdahilan na lamang siya kanina at mabilis na umalis ng ospital. Habang nagmamaneho ay kabang kaba siya dahil sa samu't-saring punapasok sa isip niya. Tila baliw na rin siya dahil tila sirang plaka na nagpi-playback sa tainga niya ang sinabi ni Ella na baka buntis siya. Marami na siyang nilagpasang drug store ngunit talagang mas pinili niyang magtungo sa bandang Las Piñas para doon maghanap ng drug store kung saa

