Chapter 40

1695 Words
Sa Nassus... "Lorde Ignacio, tila malayo ang inyong tingin. May bumabagabag ba sa inyong isipan?" alalang tanong ng kabalyero. "Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko, Ishaan. Pero, parang may panganib na paparating. Nararamdaman ko," nababahalang sabi ng Ignis Lorde ng Nassus. Tumingin ang kabalyero sa labas at tinanaw ang bulkang Lavana. Napansin ng kabalyero ang usok na lumalabas mula sa bunganga nito. "Lorde Ignacio, may usok na lumalabas sa bunganga ng Lavana," sabi ni Ishaan at tinuro ito. Kaya, nabahala ang Ignis Lorde. Kapag may usok na lumalabas sa bunganga ng bulkan ibig sabihin may panganib na paparating. Ito ang dahilan kaya palaging nakahanda ang Ignisius sa pagsalakay ng mga kalaban. "Ishaan, ihanda ang hukbo," utos ni Ignacio. "Masusunod, Lorde Ignacio," ani Ishaan at umalis para sabihan ang Ignis Racial Forces. "Ama, ang Lavana nagbubuga ng usok!" bungad na sabi ni Serfina sa ama pagkalapit niya rito. "Tiyak kong lulusubin tayo ngayon ng Rebellion, anak," sagot ni Ignacio. "Hihingi ako ng tulong sa Karr, ama," suhestiyon ng Ignis young Ladynne. Umiling lang ang Ignis Lorde. "Hindi natin kailangan ang tulong nila," sabi niya sa anak niya. Ang paglalakbay ng Rebellion... "Necós, bakit sa Nassus kaagad tayo patungo? Nakalimutan mo ba ang Wembrech?" nagtatakang tanong ni Sanara. "Hindi, mahal kong kapatid. Kailangan lang nating lampasan ang Wembrech para maisahan ang mga kalaban. Natitiyak kong batid na ng mga kaharian ang pagsalakay natin kaya iisipin nilang lulusubin natin sila base sa lokasyon nila. Ang hindi nila alam, nakaplano na lahat. Gugulatin natin silang lahat," ngising sabi ni Necós sa kapatid. Napangisi rin si Sanara dahil naibigan niya ang hakbang na isinagawa ng nakatatanda niyang kapatid. "Nga pala Necós, bakit hindi ko nakikita si Jamir? Nasaan siya?" nagtatakang tanong nito. "May misyon akong pinagawa sa kaniya," pagsisinungaling ni Necós. Pero, ang totoo ikinulong niya ito dahil natuklasan niyang isa itong espiya galing sa kalaban. "Sana pinasama mo na lang ako sa kaniya," ani Sanara. "Hindi maaari. Hindi mo kakayanin," sabi ni Necós. "Panginoon, bumubuga po ng usok ang Lavana. Baka hindi tayo makaraan dahil tiyak kong bubuga rin ito ng apoy na likido," ulat ng revro. Pero, hindi nabahala ang panginoon ng Rebellion. Marahil ay pinaghandaan na niya ito. "Heneral Annaysa, alam mo na ang gagawin," baling ni Necós sa tahimik na Magium young Ladynne. "Anong gagawin ng bastarda na 'yan? Wala siyang laban sa Lavana," giit ni Sanara. "Tingnan mo na lang kung anong kaya niyang gawin," sabi ni Necós kaya napakunot noo si Sanara. Gaya nga ng sinabi ng revro, bumuga ng apoy na likido ang Lavana at mabilis itong dumaloy sa direksyon nila. Umatras ang mga rebelde pero patuloy lang si Asyanna sa paglalakad. Kaya nabahala ang lahat maliban kay Necós na malaki ang tiwala kay Asyanna. At, si Sanara na walang pakialam sa bastarda. "Paanong?" bulalas ni Sanara nang apakan ni Asyanna ang apoy na likido. Bigla itong tumigas at naging kulay itim. Napangisi si Necós dahil nagawa ni Asyanna na talunin ang atake ng bulkan. "Hindi lang 'yan ang kayang gawin ni Asyanna. Kakaiba talaga ang mahika niya. Tunay ngang malakas ang isang tulad niya," sabi ng isip ni Necós. "Sugod Rebellion!" sigaw ni Necós kaya nagsigalaw ang mga rebelde at sumugod. Sa Pyrro Castle... "Lorde Ignacio, paano nila napatigil ang daloy ng apoy na likido? Kahit sino ay hindi ito kayang patigilin maliban sa mga Xyspere at sa mga Aqua," 'di makapaniwalang saad ng Ignis Rider. Naging palaisipan iyon kay Ignacio dahil nakapagtataka nga sa tulad ng Rebellion na walang kalaban-laban sa apoy na likido. Kahit na may Ignis na umanib sa Rebellion ay hindi nila kayang patigilin ang apoy na likido. "Tiyak kong may kinalaman ang babaeng iyon," sabi ni Ignacio at tinuro si Asyanna. Pamilyar sa Ignis Lorde ang pigura nito dahil parang nakita na niya ito dati. "Lorde Ignacio, hindi ba't si Asyanna iyon?" sabi ng Ignis Rider nang makilala ang pigura na tinutukoy ni Ignacio. Tama ang hinala ng Ignis Lorde. Ang bastarda ng Gránn ang natatanaw niya mula sa kastilyo. "Akala ko ay pinaslang na iyan ng mga rebelde," nagtatakang sabi ng Ignis Rider. "Hindi papaslangin ng Rebellion ang kapanalig nito," wika ni Ignacio. "Ignis, ipagbigay-alam sa Racial Forces na hulihin ang traidor na young Ladynne," utos ni Ignacio. "Masusunod Lorde Ignacio," sabi ng Ignis Rider at umalis. Sa Rebellion... "Lusubin ang kastilyo!" sigaw ni Necós habang nakikipaglaban sa mga Ignis Seccu. "Ipagtanggol ang Nassus!" sigaw din ng kabilang panig. Maya-maya, nakarinig sila ng ungol galing sa mabangis na nilalang. Hindi lang ito nag-iisa dahil marami ito. Tumingala ang lahat sa kalangitan at nakita nila ang mga Ignis Rider na sakay ng dragon. Umurong ang mga rebelde dahil bumubuga ang mga ito ng apoy. Nanggagalaiti si Necós dahil nasindak ng mga Ignis Rider ang mga revro. Binaling niya ang tingin niya kay Asyanna at sinigawan ito dahil malayo ito sa kaniya. "Annaysa, panahon na!" sigaw niya. "Amaris!" malakas na sigaw ni Asyanna kaya natigilan ang lahat. Nagulat ang mga rebelde dahil nagsalita na ang heneral nila. Pero, ang mas ikinagulat nila ay ang pagdating ng isang nilalang na nagpasindak sa buong Ignisius. "Hindi ba't iyan ang nawawalang alaga ng namayapang Lorde Ydarro?" 'di makapaniwalang sabi ng isang Ignis Rider. "Bakit nasa kanila? Ang alam ng lahat ay napaslang ito ng araw na mamatay ang Lorde," sabi rin ng Ignis Seccu. Lumipad ang nilalang papunta sa direksyon ni Asyanna. Tumigil ito sa tabi niya at hinayaang makasakay ang Magium young Ladynne. Gulat ang lahat dahil napakaamo nito kay Asyanna lalo na't hindi siya ang amo at isa siyang kalaban. Sa Pyrro Castle... "Bakit na kay Asyanna ang Racial pet ng namayapang Lorde ng Karr?" 'di makapaniwalang tanong ni Ignacio. "Ama, hindi ba't isa iyang Tamarra?" pagtitiyak ni Serfina. "Kinuha pala nila ang pinakamabangis at pinakamahusay na nilalang sa Azthamen. Tiyak kong ginamitan nila ito ng itim na mahika para mapaamo nila," ani Ignacio. "Ama, hindi ba't si Asyanna ang sakay ng Tamarra? Bakit nasa panig ng Rebellion ang young Ladynne ng Gránn?" nagtatakang tanong ni Serfina. "Dahil isa siyang traidor," sagot ni Ignacio. Sa panig ng Rebellion... Lumipad ang Tamarra sakay si Asyanna at sumugod sa direksyon ng mga Ignis Rider. Gusto mang lumaban ng mga Ignis Rider ay hindi nila magawa. Dahil kusang umurong ang mga dragon. Tila natatakot ito sa nilalang na sinasakyan ni Asyanna. "Rawr!" ungol ni Amaris at bumuga ng malakas na enerhiya. Tinamaan nito ang ilang dragon at mga Ignis Rider. Kaagad bumagsak ang mga ito dahil sa tindi ng lakas nito. Umurong ang Ignisius dahil natakot sila sa Tamarra na sinasakyan ni Asyanna. "Ignisius...Ignisius. Tila nabahag ang mga buntot ninyo," nang-aasar na sabi ni Necós. "Huwag kang magpakampante Necós," sagot ni Ignacio na kararating lang. Bumaba siya mula sa dragon at hinarap ang panginoon ng Rebellion. "Ignacio, ang Lorde ng Nassus," sambit ni Necós at ngumisi. "Necós, ang mapaghangad na pinuno ng Rebellion," sagot din ni Ignacio. Nagsamaan sila ng tingin sa isa't isa. "Rawr!" ungol ng Tamarra kaya napaatras ang mga Ignis. Maliban kay Lorde Ignacio na hindi nasindak. "Ang lakas pa rin talaga ng loob mo Ignacio na lumaban. Samantalang, batid mo nang matatalo kayo," saad ni Necós kaya napakuyom ng mga kamay ang Ignis Lorde ng Nassus. "Hindi namin isusuko ang Nassus!" sabat din ni Serfina. "Magkakamatayan tayo pero hindi namin ibibigay ang gusto ninyo!" sabat din ni Fennix, ang panganay na anak ni Ignacio. "Tama nga ang kasabihan kung gaano katigas ang ulo ng magulang ganoon din ang anak," ani Necós. "Hindi ko alam na madaldal pala ang pinuno ng Rebellion. Nakakairita," sabat ni Fennix. Sumama ang tingin ni Necós kaya sinenyasan niya si Asyanna na umatake sa kinaroroonan ng mag-ama. Umungol nang malakas ang Tamarra at binuka ang bibig. May namumuong kapangyarihan sa loob ng bibig nito kaya agad sumakay ang mag-ama sa kaniya-kaniya nilang alaga at pinalipad ito bago sila tamaan ng kapangyarihan ni Amaris. "Sundan mo sila Annaysa," utos ni Necós kaya sinundan nga ng Magium young Ladynne ang mga Xyspere. Nagpatuloy sa labanan ang mga natitira sa ilalim. Marami na rin ang nalagas sa Ignisius dahil iba't-ibang lahi ang kalaban nila at puro mga pinagbabawal na mahika ang ginagamit ng mga ito. "Rebellion, tapusin ang Ignisius!" sigaw ni Necós. Samantala, si Asyanna hinahabol pa rin ang mag ama. Paminsan-minsan ay nagpapakawala si Amaris ng kapangyarihan na sinusubukan namang iwasan ng mga Xyspere. "Kailangan nang matigil si Asyanna," bulong ni Serfina kaya umiba siya ng direksyon. Sina Fennix at Ignacio na lang ang hinahabol ni Asyanna at ng Tamarra. Umikot pa ang Ignis young Ladynne bago sumunod muli sa habulan ng tatlo. Nasa likuran na siya ni Asyanna kaya inutusan niya ang alaga niya na bumuga ng apoy. "Dracar," bigkas niya at bumuka ang bibig ng dragon. May lumabas na malaking apoy dito at bumulusok ito sa direksyon ni Asyanna. Lingid sa kaalaman ng Ignis young Ladynne malakas ang pakiramdam ni Asyanna. Nang maramdaman ni Asyanna ang paparating na enerhiya ay agad niyang iniharap si Amaris sa nagngangalit na apoy. Bumuga si Amaris ng malaking enerhiya at nilusaw nito ang pinakawalang apoy ng dragon. Nagulat si Serfina dahil nagawa iyong puksain ng Tamarra. Sa pagkakataong iyon si Asyanna naman ang gumanti. Nagpakawala si Amaris ng enerhiya sa direksyon ni Serfina. Agad na pinalihis ni Serfina ang direksyon ng dragon. Pero, hindi pa rin ito nakaligtas. Nahagip nito ang pakpak ng dragon kaya nawalan ng balanse ang Racial pet. "Serfina!" sigaw ni Fennix nang masaksihan ang nangyari sa kapatid. Agad siyang pumunta sa direksyon nito pero nagpakawala muli ng enerhiya si Amaris at tinamaan din ang dragon niya. Nagalit si Ignacio sa nangyari sa mga anak niya kaya umatake siya sa likuran. Pero, natunugan ito ni Asyanna kaya humarap dito si Amaris at nagpakawala ng enerhiya. Nalusaw nito ang apoy at tinamaan din ang dragon na sinasakyan ni Ignacio. Bumagsak ang dragon na sakay nilang tatlo. Ang Ignisius naman ay unti-unti nang natatalo. Lumapit ang ibang Ignis Rider para tulungan ang mga Xyspere. Isinakay nila ito sa dragon at inilayo sa digmaan lalo na sa Nassus. Dahil doon umurong din ang mga natitirang Ignis. "Bumagsak na ang Nassus!" sigaw ni Necós at humalakhak nang malakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD