Chapter 57

1222 Words

"Para rin iyan sa pagpaslang ni Necós kay Jamir," "Heneral!" Nilingon ito ni Asyanna at sinamaan ng tingin. Umatras ito at binaba ang tingin sa nakahandusay na kasama. Napalunok ito ng wala sa oras. "Heneral Sanara!" tawag muli ng rebelde. Nilingon ni Asyanna ang nakahandusay na katawan ni Sanara. Hindi na talaga ito humihinga. Kaagad itong binawian ng buhay. "Ikaw na pala ang bagong heneral ng Rebellion. Ikaw pala ang pumalit sa akin," "Hindi na niya naririnig ang tinig mo, revro. Hindi ka na niya maririnig pa," wika ni Asyanna at ngumisi. Pakiramdam niya ay isang digmaan ang naipanalo niya. Gumaan bigla ang bigat na nararamdaman niya. Parang nabawasan siya ng tinik. "Kailangan itong malaman ni Lorde Necós para parusahan ka sa kalapastanganang ginawa mo sa aming heneral!" "Hala!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD