"Sigurado kayong walang nagbabantay rito?" tanong ni Asyanna. Nasa labas sila ng Karr habang minamatyagan ang ikalawang lagusan papasok dito. "Sigurado ako. Hindi na ito masyadong ginagamit," sagot ni Sheena habang pinagmamasdan ang lagusan. "Halina sa loob," ani Asyanna at naunang tumakbo papasok ng tarangkahan. Pero, bigla na lang siyang tumilapon palayo rito. Natigilan ang apat sa nangyari kay Asyanna. Hindi nila inasahan na mangyayari iyon. "Ayos ka lang, Yanna?" alalang tanong ni Sheena. "Hindi ko maintindihan. Bakit may puwersang tumataboy sa akin?" nagtatakang tanong ni Asyanna habang inaayos ang sarili mula sa pagkakabagsak. "Hindi ba't nang unang pumasok ka sa pangunahing tarangkahan ay hindi ka rin makapasok? Baka ganoon din sa ikalawang tarangkahan," wika ni Xáxa nang ma

