Chapter 84

1006 Words

"Lescha!" sigaw ni Xáxa at dali-daling lumapit sa kapatid niya. Inangat niya ito at inihiga ang ulo sa bisig niya. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya sa pisngi habang nakatingin dito. Nakangiti naman si Lescha pero may kumawalang mainit na likido mula sa mga mata nito. Lalong napunit ang puso ni Xáxa dahil matapos nang nangyari nakangiti pa rin ang kambal niya. Tila hindi ito nakaramdam ng sakit sa katawan. "Xá...xa, ba...kit ka umi...iyak? Si...nong nang-away sa'yo? A...ko ba? Hoy, hin...di ha baka isum...bong mo a...ko kina ama at ina. Huwag ka nang umi...yak, paki...usap. Hin...di sa'yo ba...gay," hirap na sabi ni Lescha at nanginginig na dinikit ang hinlalaki sa kaliwa nitong pisngi. Muling ngumiti ang Frost Byte young Ladynne at pinahid ang dumaloy na likido sa pisngi nito. H

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD