Chapter 28

1583 Words
"Isiwalat ang kaso," panimulang sabi ng mahistrado. Nasa gitna ako ng hukuman at pinalilibutan ng mga nilalang na nais masaksihan ang paghatol sa akin. Tinalian nila ang isa kong paa ng tanikala na konektado sa malaking bato para hindi ako makatakas. Ang tanikala ay binabalutan ng mga kapangyarihan na mula sa walong lahi. Nilagyan nila ito ng kapangyarihan para hindi ko magamit ang kakayahan kong maglaho. Inilayo rin nila sa akin ang espada ni Asilah para hindi ko ito magamit. "Azthamen laban sa young Ladynne Asyanna Puerre. Ika-isang daang libo na sala sa pagpaslang, pagtangkang pagtakas at paglabag sa batas," sabi ng kawani ng hukuman. "Mga pagpapakita para sa pag-uusig," sabi ng mahistrado. "Lorde Ferrie, Ladynne Dylenea, Lorde Irman," tugon ni Lorde Ignacio. Napako ang tingin ko kay Lorde Irman. Hindi pa rin ako makapaniwala na kakampi siya sa kabilang panig. Nasasaktan ako ng sobra. Akala ko buo ang tiwala niya sa akin. Akala ko lang pala ang lahat. Yumuko ako at pinahid ang luhang dumaloy sa pisngi ko. "Mga pagpapakita para sa depensa," sabi ng mahistrado. "Lorde Ornelius," sagot ni Onessa. "Nag-iisa lamang?" tanong ng mahistrado. "Siyang tunay, mahal na mahistrado," sagot ni Onessa. "Nasa paligid ba ang akusado?" tanong ng mahistrado. "Nasa paligid ang akusado," sagot naman ni Lorde Ignacio. "Isakdal ang akusado," utos ng mahistrado. "Azthamen laban sa young Ladynne Asyanna Puerre. Ika-isang daang libo na sala sa pagpaslang, pagtangkang pagtakas at paglabag sa batas, ginawa ang mga sumusunod: bandang tanghali noong Nona 33, 2021 sa larangan ng digmaan, sa loob ng hurisdiksyon ng hukuman, ang nasabing akusado, noon at doon ay kusa, labag sa batas at pinatay ang isa, si Magium Crafter CHAROSS MONTER, noon at doon ay sinaksak siya sa dibdib gamit ang pinakadakilang espada. Hindi lang iyon, nilabag ng akusado ang batas at tumakas na nakadagdag sa kanyang kasalanan. Na ang akusado ay isang marangal at isang Ladynne," salaysay ng kawani. "Hoy, hindi ko siya sinaksak!" reaksyon ko dahil iyon ang totoo. Hindi ko naman sinaksak si Chaross sa dibdib. Wala nga akong nakita na dugo sa dibdib niya. "Naiintindihan mo ba ang paratang ng mga katotohanan?" baling sa akin ng Mahistrado nang hindi pinapansin ang sinabi ko. "Oo, mahal na mahistrado," napilitang sagot ko. "Ano ang iyong pagsusumamo?" tanong niyang muli. "Hindi nagkasala, mahal na mahistrado," mariin kong sagot at tiningnan sina Lorde Ignacio, Ladynne Dylenea at Lorde Irman. "Hindi nagkasala ang akusado. Mayroon bang saksi para sa Prosekusyon?" wika ng Mahistrado. "Young Ladynne Xáxa, Lorde Onaeus Puerre and the Racial Forces," tugon ni Lorde Irman. Napatingin ako sa panig nila Lorde Ignacio. Halos lahat pumanig sa kanila. "Ang prosekusyon ay may higit sa sampung saksi. Mga Saksi para sa Depensa," baling ng Mahistrado sa panig namin. "Lorde Kai Mellows, young Ladynne Precipise Mellows, young Ladynne Sheena Sowler, young Ladynne Aissa Puerre, young Ladynne Alisiah Puerre, at young Ladynne Noreem Gemisiu," sagot naman ni Onessa. "Anim na saksi lang?" pagtitiyak ng mahistrado. "Oo, mahal na mahistrado," sagot ni Onessa. "Kung ganoon, magpatuloy tayo sa teorya ng prosekusyon," sabi ng mahistrado. "Azthamen laban sa young Ladynne Asyanna Puerre. Ika-isang daang libo na sala sa pagpaslang, pagtangkang pagtakas at paglabag sa batas, ginawa ang mga sumusunod: bandang tanghali noong Nona 33, 2021 sa larangan ng digmaan, sa loob ng hurisdiksyon ng hukuman, ang nasabing akusado, noon at doon ay kusa, labag sa batas at pinatay ang isa, si Magium Crafter CHAROSS MONTER, noon at doon ay sinaksak siya sa dibdib gamit ang pinakadakilang espada. Hindi lang iyon, nilabag ng akusado ang batas at tumakas na nakadagdag sa kanyang kasalanan. Na ang akusado ay isang marangal at isang Ladynne—" "Ang young Ladynne Asyanna Puerre ay inosente sa krimen dahil hindi niya ito kasalanan. Sasaktan pa lang niya ang yumaong Magium ngunit may nangyari," saad ni Lorde Ornelius. "May nangyari. Namatay ang Magium Crafter. Iyon ang kasalanang nagawa niya," sabat naman ni Lorde Ignacio. "Hindi niya iyon ginawa. Hindi niya kasalanan," tugon ni Lorde Ornelius. "Paano mo masasabing hindi niya kasalanan?" usisa ng Mahistrado. "Hindi ginusto ng akusado ang nangyari. Ipinagtanggol niya lang ang sarili niya. Hindi niya nilabag ang batas. Ang yumaong Magium ang gumamit ng ipinagbabawal na salamangka. Akmang sasalakayin ng young Ladynne Asyanna ang kanyang kalaban ngunit bumagsak lang sa lupa ang Magium Crafter," paliwanag ni Lorde Ornelius. "Ang young Ladynne Asyanna ang tanging malapit sa yumaong Magium. Nakita ito ng lahat. Inatake niya ang Magium Crafter," komento ni Ladynne Dylenea. "Pagtutol! Hindi si Asyanna. Hindi niya hinawakan si Chaross Monter hanggang sa huli nitong hininga. Ang kaniyang espada ay hindi umabot sa Magium Crafter," depensa naman ni Onessa. Tahimik lang ang paligid at matiim na nakikinig sa sagutan nila. Ni isa sa kanila ay walang gustong magpatalo. "Panukala ng prosekusyon," baling ng mahistrado kay Dylenea. Pero si Lorde Irman ang nagsalita kaya bigla akong kinabahan. "Inaamin mo ba na noong Nona 33, 2021, tanghali, si young Ladynne Asyanna Puerre at Magium Crafter na si Chaross Monter ay nagkita sa larangan ng digmaan o nasa iisang lugar sila?" usisa ni Lorde Irman. "Inaamin namin ang panukala ng prosekusyon na nagkasama sila sa larangan ng digmaan," sagot ni Lorde Ornelius. "Inamin," wika ng Mahistrado. "Inaamin mo ba na sinaksak ng young Ladynne ang Magium Crafter?" ani Lorde Irman. "Hindi namin inaamin," sagot ni Lorde Ornelius. "Hindi inamin," komento ng Mahistrado. Matapos ang interogasyon ni Lorde Irman sa panig ko, si Lorde Ornelius naman ang pumalit para usisain sila. "Aminado ka ba na sinaksak ng akusado ang Magium Crafter?" tanong ni Lorde Ornelius. "Oo, inaamin namin," sagot ni Lorde Irman. "Inamin," komento ng Mahistrado. "Inaamin mo ba na ginamit ng Magium Crafter ang ipinagbabawal na salamangka laban sa young Ladynne?" tanong muli ni Lorde Ornelius. "Hindi namin inaamin," sagot naman ni Lorde Ferrie. "Malinaw na ginamit ni Chaross Monter ang ipinagbabawal na salamangka laban sa aking kapatid!" giit ni Onessa na nagpaingay ng paligid. Tama siya ginamit talaga ni Chaross ang ipinagbabawal na mahika. "Hindi inamin," sabi ng Mahistrado kaya bumagsak ang mga balikat ni Onessa. "Iyan lang mahal na mahistrado," sabi ni Lorde Ornelius. Pagkatapos ng pagtatalaga ng mga katotohanan sunod naman na inusisa ang mga testigo sa kabilang panig. Lalo akong kinabahan sa maaari nilang sabihin laban sa akin. "Sino ang iyong unang saksi?" tanong ng Mahistrado. "Ang aming unang saksi ay ang batang Ladynne Xáxa Xarmont sapagkat ang Magium Crafter ay hindi na maipagtanggol ang sarili," sagot ni Lorde Irman. "Handa ka na ba?" tanong ng Mahistrado. "Oo," ikling sagot niya. "Tawagin ang saksi," utos nito. "Young Ladynne Xáxa Xarmont," tawag ni Lorde Irman sa Frost Byte. "Itaas ang iyong kanang kamay. Sumusumpa ka ba o nagpapatibay na sabihin ang totoo, ang buong katotohanan, at walang iba kundi ang katotohanan? Sabihin ang iyong mga personal na kalagayan," sabi ng tagasalin ng hukuman. "Oo. Ako si young Ladynne Xáxa Xarmont, Frost Byte ng Frost Racial Forces," sabi ni Xáxa. "Nag-aalok kami ng testimonya ng testigo-nagrereklamo upang patunayan na ginawa ng akusado ang krimen sa indibidwal na ito. Ms. Witness, para sa rekord, mangyaring sabihin ang iyong pangalan, edad, katayuan, trabaho at paninirahan," wika ni Lorde Irman. "Ako si Ladynne Xáxa Xarmont, labing walong taong gulang, Forst Byte at isang residente ng Ferrox," sagot ni Xáxa. Inusisa nila si Xáxa at isa lang ang maliwanag sa akin. Gagawin niya ang lahat para maipit ako. Natitiyak ko dahil boluntaryong siyang naging testigo at isa pa galit siya sa akin. Kaya hindi malabong gawin niya iyon. Nasa kalagitnaan kami ng paglilitis nang biglang sumabog sa labas. Kaya nagsigawan ang mga nasa loob. "Anong nangyayari?" tanong ng Mahistrado. "Nagkakagulo po yata sa labas, Mahistrado," sagot ng Aer Flyer. "Pinasok tayo ng mga rebelde!" sigaw ng pangkaraniwang Ignis. "Racial Forces avante!" utos ni Lorde Irman. Agad na humanda ang mga Racial Forces. "Asya, tumakas ka na," bulong ni Asilah sa akin. "Paano ako tatakas? Nakatali ang paa ko Asilah," bulong ko rin. "Pero, hindi ang mga kamay mo," makahulugan nitong sabi. Bigla kong naisip ang espada niya. Maaari ko kaya iyong makuha gamit ang isip ko? "Utusan mo ito gamit ang isip mo na pumunta sa iyo," utos ni Asilah. Pumikit ako at inutusan ang isip ko na pumunta sa akin ang espada. Maya-maya, lumitaw na lang ito sa mga kamay ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Agad kong sinira ang tanikalang nakatali sa akin. Lumikha ito ng ingay kaya nakuha nito ang atensyon ng lahat. "Tumatakas si young Ladynne Asyanna. Pigilan niyo siya!" sigaw ni Dylenea. Pero huli na sila dahil bago pa man sila nakalapit sa akin. Sinaksak ko na agad ang espada sa sahig kaya tumilapon silang lahat. Naging daan iyon para ako ay makatakas. Tinahak ko ang daan palabas ng Azthia Court. Doon ako dumaan sa likuran para wala sa aking makakita. "Asya!" rinig kong tawag sa akin kaya agad akong lumingon dito. "Sheena?!" gulat kong tanong. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Anong ginagawa mo rito Sheena? Baka madamay ka pa sa akin," sabi ko nang kumalas ako sa yakap niya. "Damay na ako nang magboluntaryo akong tumestigo para sa iyo," sagot niya kaya niyakap ko siya. "Maraming salamat Sheena. Tunay kang kaibigan," emosyonal kong sabi. Kumalas siya ng yakap at tinitigan ako. "Bakit?" nagtataka kong tanong. "Saan ka ngayon patutungo?" tanong niya. "Baka sa Mysta o kahit saan," sagot ko. "Iwasan mo ang Mysta, Asya. Delikado roon. Basta mag-iingat ka," sabi niya at muli akong niyakap . "Hanggang sa muli nating pagkikita, kaibigan," ani ko at kumalas na sa yakap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD