"Omorfi have you seen Ace? Kanina ko pa hinahanap ang batang iyon saan naman kaya nagsuot ang isang iyon?" Tanong niya sa pababang asawa na ngayon ay buntis na naman sa pangalawa nilang supling.  "Don't know either," sagot nito na sinabayan pa ng pagkibit balikat. Ahh his wife is still the most beautiful woman in his eyes. Wala na atang makakahigit pa rito sa paningin niya. Kahit na medyo tumaba ata ito dahil sa pagdadalang tao nito muli, walang dudang ito parin ang pinakamaganda at pinakaseksing babae para sa kanya. Inabot niya ang kamay nito at inalalayan ito sa pagbaba. Pagkatapos ay masuyong ginawaran niya ito ng halik sa noo at sa labi. "Pinuntahan mo na ba sa bahay ni Red, alam mo namang pag wala ang anak mo rito sa bahay malamang sa malamang na nakidnap nanaman iyon ng kapatid
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


