"What happen to her?" Olsen asked him while sipping his coffee. Nasa loob silang dalawa ng cafeteria. Nakapagpalit na rin siya ng damit na dinala nito sa kanya. “It is my fault. Hindi ako nag-ingat," bumuga siya nang marahas. "Masyado akong nakampante. I just wanted to see her smile." "So... that’s just the reason?" Na-iiling nitong tanong. "You’ve been out of shape because you want a smile? Are you for real?" Hindi na lang niya pinansin ang patutsada nito. Nag-aalala pa rin kasi siya sa lagay ni Maita. At nang-gagalaiti pa rin siya sa kaalamang pwedeng si Dimetri ang nasa likod ng lahat. "Nasaan nga pala si Buenafe? I called him but there's no answer." Balik tanong niya. "He is in Palawan. Doing his photoshit thing... you know," nakangising sagot ni Rondelle. "He needs it by t

