KIRITO is not like this. Yung maghapong hindi tatawag para man lang kamustahin s'ya kung kumain na ba siya o kung ano nang ginawa niya sa maghapon. Hindi tuloy siya mapakali kanina pa dahil hindi siya sanay na hindi man lang ito tumawag o kahit message man lang sana. As in wala. Para na nga siyang tanga na nag aabang sa tuwing tutunog ang cellphone niya. Siya na nga itong unang nag message makalipas ang ilang oras na paghihintay pero wala siyang nakuhang sagot mula rito. What makes him busy. Iyan ang kanina pa niya iniisip. Busangot na busangot na ang pagmumuka niya sa inis. Talagang malilintikan sa kanya ang lalaking iyon oras na magpakita ito sa kanya. The nerve of him para pag alalahanin siya ng ganito. Lumakad siya pabalik sa kama, balak niyang idaaan na lang sa tulog ang inis at pag

