KHALIL Binuksan ko ang aking mga mata. Madilim ang aking kuwarto. Ibinaling ko ang aking paningin sa alarm clock—4:12 p.m. Napasarap ang tulog ko. Dahan-dahan kong inangat ang aking katawan. Hinawakan ko ang aking kaliwang balikat at pinaikot ko ang aking braso. Mali yata ang naging posisyon ko sa pagtulog at nakaramdam ako ng pangangawit. Ibinaba ko ang aking mga paa sa sahig at naghanap ng tsinelas-pambahay. Napayuko ako. Wala akong suot na salawal. Pinisil ko ang aking mga mata nang maalala ko ang ginawa ko kaninang umaga. Pagkatapos ay kinutos ko ang aking ulo. Tumayo ako at nag-unat. Puwede pa akong mag-jogging dahil maaga pa naman. Kaya lang nang buksan ko ang blinds ay madilim ang langit at mukhang uulan. Kumalam ang aking tyan sa gutom. Maghahanap na lang ako ng makakainan. Nag

