KHALIL
“Forty-seven… Forty-eight…Forty-niiiinnneeee… Fiftfttyyy!” Sigaw ko kasabay ng paghilata ko sa sahig.
Sa sobrang abala ko sa trabaho ay hindi ko na masyadong nabibigyan ng oras ang sarili kong mag-workout sa gym. Apektado na rin ang stamina ko sa dami ng araw kong pagpupuyat bunsod ng dagsang bilang ng aking mga kliyente sa OnlyFans at inooperahan sa hospital. Limang sets pa lang ng tig-50 push-ups ang nagawa ko pero hindi na ako makahinga sa panlalambot ng aking mga kalamnan.
“This is bad, K!” Paalala ko sa aking sarili.
Itinaas ko ang aking mga kamay. Binikot ko ang aking braso para ma-check ko ang aking mga triceps. Buti na lamang at napansin kong namumutok pa rin ang mga ugat nito sa laki at kapal.
Puhunan ko ang aking katawan sa trabaho ko tuwing gabi kaya naman pursigido akong ma-maintain ito araw-araw. Pasalamat na lang ako dahil maganda ang genes na ipinamana sa akin ng aking yumaong ama dahil natural ang malaking bulas ng aking pangangatawan. All I need is a little workout to make sure I look irresistible again.
Kinati ko ang aking singit na natuluan ng pawis. Wala naman akong kasama sa malaki kong bahay dito sa Maria Luisa Estate kaya naman kahit na nakalawlaw ang isa kong bay-ag sa butas kong Tommy Hilfiger na brief ay wala naman akong pakialam.
Inamoy ko ang pinangkati ko ng singit at itinuloy na ipangsuklay sa namamasa kong buhok. Nanatili ako nakahilata at tulala sa kisame, iniisip kung ano ang masarap na uulamin mamayang gabi. Habang lumilipad ang aking isipan ay napadako ako sa isang malaking babasaging garapon na naglalaman ng mga Origami paper cranes.
Huminga ako ng malalim.
Dito sa garapong ito umiikot ang aking buhay. Ito rin ang dahilan kung bakit ganitong klase ng buhay ang pinili kong tahakin.
Inangat ko ang aking sarili at gumapang papunta sa doormat. Pagkatapos ay nagpadausdos ako pabalik sa aking pinaghigaan para punasan ang tumulong pawis ko sa sahig. Tumayo ako at nagpasyang maligo para makabili ng makakain sa labas.
Pagpasok ko sa CR ay hinayaan kong balutin ng malamig na tubig ang nahahapo kong katawan. Tumataas ang balahibo ko sa bawat haplos ng tubig sa aking balat. Pinagmasdan ko ang mga ugat na nakausli sa aking braso na bakas ng ginuguol kong taon sa pagwo-workout. Shinampoo ko ang aking ulo at hinayaang umagos ang bula mula sa aking leeg papunta sa mabul-bol na paligid ng aking batuta. Tumulo ang sabon sa katawan ng aking tulog na alaga pero lilima na ang pulgada sa haba.
“Thanks, Dad.” Nakangisi kong sabi.
Naisip ko na kung ganito na kataba at kahaba ang aking alaga ay paano pa kaya ang ahas ng aking ama. Pinisil ko ang aking mga mata para mabura sa aking isipan ang mga naglalarong imahe sa aking utak. Ang mahalaga ay may ganito akong sandata na talaga namang nakapaghahatid sa akin ng malaking pera. Kung tutuusin ay hindi ko na kailangan pang maghirap sa pagtatrabaho bilang duktor dahil kaya ko namang kitain ang isang buwang sweldo ko doon sa isang gabi lang na pagbababad sa mga social media sites. Pero dahil sa garapon ng paper cranes na iyon, pinili kong maglingkod pa rin sa kapwa.
Bago ako lumabas ng bahay ay nagsuot muna ako ng puting jogging pants at kulay gray na maluwag na tank top. Pagbukas ko ng gate ay nakita ko ring nagbukas ang pintuan ng aking kapitbahay. Napatingin ako doon at nakita ko si Isabella—ang babaeng pantasya ng lahat ng riders at kalalakihan sa siyudad. Pero ang lahat ay takot sa kanya dahil laking talyer ito kasama ng kanyang ama. Kilala ito bilang brusko at walang pakialam sa ayos ng sarili, pero iba ang pagkakakilala ko sa kanya.
Madalas ko siyang makasalubong sa kanto namin tuwing gabi at nasisilayan ang tunay niyang ganda. Dala-dala nito ang dalawang malalaking itim na plastic ng basura ngunit sa katawan niya ako nakatuon ng pansin. Nakasuot ito ng tattered na denim shorts at puting damit na malinaw. Naaninag ko ang strap ng kanyang bra at ang kabigatan ng kanyang mga hinaharap. Napalunok ako nang bumaba ang aking mga mata sa nakaumbok na parte ng kanyang katawan sa gitna ng kanyang hapit na shorts.
“K.” Matipid nitong bati sa akin.
Tumango ako.
“Z.” Bati ko naman sa kanya.
Sinikap kong maglakad ng mabilis at hindi namin namalayan na pareho pala kami ng ikinilos. Nagkasalubong kami sa daan at muling nagtinginan. Napatuon ito sa ibabang suot ko at doon namalagi ang kanyang mga mata.
I dropped my gaze to my jogging pants.
Shit!
I could see my dangling manhood shifting inside. It was visible because of the white fabric of my pants and I forgot to wear any briefs underneath.
Napaurong ako ng kaunti para itago ang sumasayaw kong alaga. Itinaas niya ang dalawa niyang kilay at lumakad ito papunta sa basurahan na parang walang napansin. Naglakad ako ng mabilis para makatakas sa awkward na sitwasyon na iyon.
---
Ipinarada ko ang aking kotse dalawang kanto bago ang street ng prestihyosong male strip club kung saan ako rumaraket. Huminga ako ng malalim at sumulyap sa aking relo—alas-diyes na ng gabi. Isinuot ko ang aking cap at ipinatong ko ang hoodie ng aking jacket. Pagkatapos ay nagsuot ako ng face mask at naglakad sa gitna ng maingay na kalsada ng siyudad.
Pumasok ako sa backdoor ng club at tumuloy sa kuwarto ng mga male performers. Bumati at nakipagkamayan ako sa mga tao doon bago ako tumungo sa kubli at maliit na kuwarto na kanilang ibinigay para sa akin.
Oo, para lang ito sa akin.
Bago ako nagpasyang magtrabaho dito ay kinausap ko muna ang lahat ng mga naroroon. Sinabi ko sa kanila ang tunay kong propesyon at gusto ko lamang na protektahan ang aking identidad para hindi ako mapahamak balang araw. Maunawain ang mga tao doon at naintindihan naman ng lahat ang aking sitwasyon. Tinanggap nila ako ng maluwag sa kanilang kalooban at itinuring na ka-pamilya. Ngayon ay malaya akong nakakapag-serbisyo sa mga tao sa hospital ng umaga at nakakapag-bigay ng aliw sa gabi.
“Tol, ikaw na susunod.” Habilin sa akin ni Blue Falcon na pumasok sa aking kuwarto.
Lahat kaming naririto ay nagtatawagan lamang sa aming code names dahil may kanya-kanya rin kaming mga identidad na nais protektahan. Kaming lahat ay nakasuot ng maskara paglabas namin sa entablado para takpan ang aming mga mukha.
“Damn! Hindi pa ako nakakapagbihis!” Nagmamadali kong sabi.
“Tulungan na kita.” Sagot naman nito at binuksan ang zipper ng pantalon ko.
Ibinaba niya ang pantalon ko kasama ang aking brief. Sanay na kami sa ganitong kalakaran at hindi na kami tinatablan ng malisya. Habang isinusuot ko ang hanging coat ay inaayos naman ni Blue Falcon ang suot kong punit-punit na slacks.
“Tangina naman, Bird. Ipatapyas mo kaya ang birdie mo. Ang hirap i-manage.” Natatawang sambit ng kasama ko habang isinusuksok niya ang alaga ko sa pantalon.
“Kung lumilitaw sa tattered na parte ang ulo, hayaan mo na. Para ganado ang mga nanonood.”
Tumawa kaming pareho nang maayos na niya ang suot ko. Bago ako nakalabas ng kuwarto ay pinalo niya ang aking puwit.
“Ayusin mo, pre!” Habilin nito.
Nginitian ko siya at isinuot ko na ang maskara ko. Ngayon gabi, hindi ako si “K” the doctor, ako si Blackbird, the p***y destroyer.
---
Lumabas ako sa entablado nang tawagin ang aking pangalan. Tumingin ako sa kisame at nakita kong may bagong pakulo ang club. May sprinkler ang itaas at basa ang sahig.
Okay. Mas gusto ko ito. Mas masarap sumayaw ng malaswa kapag basa ang katawan.
Sinimulan ko ng gumiling sa harapan ng maraming tao. Halos hindi ko na marinig ang background music dahil sa lakas ng hiyawan ng mga manonood. Karamihan sa mga naririto ay mga mayayaman at matatandang babae o kaya naman ay mga bisexual at gay people. Nang mapansin kong tila may magbabarkadang mga middle-aged na babae na nakaupo sa isang mesa sa sulok ay doon ako tumungo. Humada ako sa sahig at pinaghahaplos ko ang aking basang katawan. Napatili ang mga kababaihan doon, maliban sa isa na tila virgin pa ang mata sa ganitong klase ng entertainment. Tinatakpan niya ang kanyang mukha habang tumatawa. Namumula ang kanyang mga pisngi—dala na rin siguro ng alak at hiya. Lalo kong ginalingan ang aking pagsasayaw. Tumalon ako sa itaas ng kanilang mesa at doon ako lumuhod at gumiling.
Napasigaw siya sa magkahalong saya at pagkabalisa. Pinilit siya ng kanyang mga kasama na maglagay ng tip sa loob ng aking pang-ibabang suot. Sa una ay ayaw niyang gawin ito pero nang maglaon ay nakumbinsi din siya. Nang itaas niya ang kanyang kamay ay bigla kong hinugot ito at ipinasok sa aking naninigas na alaga.
Napatili ito nang dumampi ang nakasakmal niyang kamay sa balat ng aking ahas.
“This is my fish for today.” Bulong ko sa aking sarili.