KHALIL Nagpaalam ako kay Chief Clara na mag- leave ng half-day sa work dahil kinailangan kong nag-withdraw ng pera sa tatlong bank accounts ko. Kung tama ang aking hinala sa susunod kong kliyente ay ito ang isa sa pinakamalaking tulong-pinansyal na aking gagawin sa mahigit siyamnapu na aking tinulugan sa mga nakalipas na taon. Inilagay ko ang lahat ng pera sa isang duffle bag at inuwi ko ito bago bumalik sa hospital. Pagpasok ko sa trabaho ay kaagad kong nakita ang grupo ng trauma doctors kasama si Chief Clara sa cafeteria. Tumingin ako sa aking relo at mag-aalas-dose na rin pala ng tanghali. Naisipan kong kumain ngunit wala ako sa mood na i-entertain ang mga tanong ng aking mga kasama dahil sa nangyari kagabi. Mabuti na lamang at puno na ang kanilang mesa at may bakante naman sa kanila

