"Naku,nakatulog na si Cassie,bukas na lang kayo pumasyal sa hacienda Julia,mukhang puyat ang alaga ko at namiss yata ang kwarto niya."Sige po ya,magpahinga na rin po ako."Julia may bisita ka kayo ni Cassie."Sino daw po tita?"Gavin daw."Sige po babain ko lang,tulog na po si Cassie e."Sige iha at pagkatapos nyan magpahinga kana din."Opo,salamat.
"Gavin bakit napasugod ka gabi na ah."Gusto ko lang makausap si Cassie,hihinge lang ng depensa."Nakatulog na siya e,bumalik ka nalang bukas."Hindi ko talaga maisip na gagawin ni Kim yun kay Cassie at muntikan na pala itong mapahamak."Gavin mahal na mahal ka ni Kim,syempre hindi mo siya pinapansin e ang lalim na pala ng napagdaanan ninyo.Kababata mo pa,ng dumating si Cassie hindi mo siya pinapansin syempre ano iisipin niya."Bakit Juls magagawa mo ba ang ganun kung hindi din kita papansinin?"Hindi noh,magkaiba kami ni Kim.
-----
Nagising ako dahil kumakalam sikmura ko,hindi pala ako nakapaghapunan,hinsi kami natuloy ni Julia para ipasyal ko sana siya sa hacienda.Bumaba ako para kumain,ang sarap humiga at matulog sa kama ko namiss ko itong kwarto ko.Nang napadaan ako sa sala ay narinig kong may nag uusap si Julia at Gavin.....
"Gavin bakit nandito ka?"Salamat at nagising ka Cassie,gusto lang kitang makusap."Kumain ka na ba?Julia kumain na ba kayo?Samahan nyo ako sa kusina,para kumain.
Nagpahanda ako kay alung Marta ng makain namin,hindi ko naman alam na darating si Gavin at kung ano oras ito nandito.Dahil alas 3 ng hapon ako umakyat at nagpahinga saglit sa kama hindi ko namalayan na naktulog na pala ako.
"Habang kumakain ay pinag usapan namin ang nangyari..."Naku,tapos na yon 'wag mo ng isipin.Saka kahit hindi naman kami ok ni Kim naintindihan ko naman siya."Cassie thank you ha,akala ko galit ka din sa akin dahil si Kim ang inatupag ko at parang kinampihan ko.Ayaw ko lang na mapahamak ka.
"Alam ko naman 'yan.Salamat na din at naging part ako sa buhay mo Gavin.Naging sandalan ko kayo ni Julia habang wala ako sa Pamilya ko.
"Naku,wala din yon ikaw talaga at akalain mo,mas mayaman ka pa pala sa akin."Oo nga at ang dami nilang company Gavin hindi lang isa kundi sampu.."Ikaw talaga Julia ang bunganga mo."Oo nasearch ko na buhay ni Cassie at namangha ako.Isang prinsesa naging tauhan ko sa mall.Akalain mo.
Ay nagtawanan nalang kaming tatlo...Pagkatapos kumain ay inalok ko si Gavin na dito nalang matulog kasi bukas pa daw ng hapon ang flight niya,pinaayos ko sa dalawang maid ang guest room.Natuwa naman ang kaibigan kong si Julia na matagal ng may crush sa boss namin.
"Julia,kinikilig ka dyan."Pasukin ko kaya maya sa guest room para pikotin ko na."Ikaw talaga matulog kana hindi ka ba napuyat sa byahe?"Puyat din pero andito crush ko e ng ilang taon pero hindi ako napapansin."Bruha ka talaga..matulog na tayo..
----
"Patrick sama ka bukas?"Oy Saan punta mo?
Sa Cebu,puntahan ko si Cassie."Aba bak nakalimutan mo bigla mo sila iniwan ng magkagulo sa mall."Hindi ha,dumating kasi magulang niya kaya tumalikod na ako.Ayaw kong makita nila ako at malaman ni Cassie na kakilala akonng magulang niya and worst pare baka malaman na ako ang anak ng bestfriend ni Tito Alfred."Oo nga noh lalo pa magalit si Cassie dahil ang panget pala ng maging asawa niya."Loko ka Patrick pag nasa harapan kita ngayon bugbog kana sa akin."Ito hindi na mabiro,sige sasama ako.Ikaw naman boss ko sa lawfirm e."Babye na sa airport nalang tayo magkita bukas 7am."Ang aga ha,halatang miss na miss ang fiancee este ang Cassie.
Hay naku,kulang nalang suntok doon sa kaibigan ko..Namiss na kita Cassie sana ok lang sayo na ako ang lalaking gusto ng magulang mo.Magpakilala na kaya ako bukas?O sa susunod na lang.Ay naku Christof bakit na naduduwag ka!A daming babae ang may nagkagusto sayo kay Cassie ka lang naduwag.
"Sakto alas siete ng umaga ay nagkita kami ni Patrick.Bitbit niya ang maletang isang taon yata sa Cebu..
"Oy pare naglayas ka ba?2 days lang tayo doon bitbit mo pang isang taon."Christof baka nakalimutan mo,tamad akong maglaba kaya nagdala na ako ng isang maletang damit oara kahit hindi na ako maglaba doon."Loko ka talaga."Excited na ako makita ang lugar ng mapangasawa mo pare."Naku,malula ka sa laki ng Mansyon nila.Tara na at paalis na ang eroplano.
Sakay ng Eroplano hindi ako mapakali,kung ano ba ang sabihin ko kay Cassie,magtatapat na ba ako tungkol sa pagkatao ko o hihinge ako ng tulong sa magulang niya..
----
Alas 7 ng umaga nasa Hardin kami ni Julia at nag aalmusal maaga kami mamasyal ngayon kasama si Gavin na oabalik na rin ng Manila mamayang alas kwatro ng hapon.
"Cassi anak,pasama nalang kayo kay mang pedring para makapili siya ng Kabayo para sa dalawa mong kaibigan."Opo mom nasabihan ko na po."Tita thank you ha sa pagpatuloy sa akin dito."Naku Gavin wala yon iho,ako nga dapat magpasalamat sayo sa mabuting pakitungo mo sa unica iha namin ni Alfred."Diba honey?
"Tama su Tita Kris mo iho,kayo ni Julia ay hulig ng langit para kay Cassie,kaya para na rin namin kayong Pamilya,welcome ka dito sa amin iho kahit anong oras."Salamat tito,tita.
"Sir may bisita po sila seniorito Christof at kaibigan nya po.Gulat na gulat ako sa sinabi ng maid namin na may bisita kami at si Christof ito..Kahit hindi ko pa naman nakita kung Christof ba na sa manila or taga dito lang dahil marami namang Christof..Pero iba ang kaba ng dibdib ko at imposible naman na kakilala nila ang kakilala ko sa manila.Ibig sabihan lagi na siya dito dahil kilala na din sila ng mga maids.
End of chapter 11 po,abangan nalang po ang susunod na chapter!