Chapter 7
Chapter 7
Huminto ang kanilang sasakyan sa isang mapunong lugar, maaliwalas at malinis ang paligid, masarap at presko ang hangin. Hindi naman nakakatakot ang lugar dahil maaga pa naman at may mangilan ngilan na sasakyan silang nakakasalubong na maaring nanggaling din sa lugar na iyon. Pinasadahan ni Lira ang lugar nang makababa ng sasakyan.
" Tara, sigurado akong mas magugustuhan mo ang pupuntahan natin " sumunod na lamang si Lira nang magsimula na maglakad si Martin, nilakasan na lamang nya ang loob dahil sa pagsama nya sa lalaking kakakilala pa lamang nya. Ilang hakbang ang pagitan nila sa isa't- isa, nahuhuli si Lira sa paglalakad dala na rin ng naka high heels sya. May panaka-nakang binabagalan ni Martin ang kanyang paghakbang upang magsabay sila ng dalaga, sinasadya naman ni Lira na magpahuli dahil nakakaramdam pa rin ito ng hiya. Halos ilang minuto din sila naglakad at sa wakas ay nakarating din sila. Sa paghinto ni Martin ay mas lumiwanag ang lugar, mas naririnig ang mga huni ng ibon na malayang lumilipad sa kalangitan, ang kaninang mapuno ay naging maulap at ang kaninang malupa ay naging tubig.
Hindi mapigilan ni Lira ang mamangha sa nakikita, hindi nya akalain na sa gitna ng tahimik na mapunong lugar ay may nagtatagong isang paraisong halos kumikinang dahil sa tumatamang sinag ng araw.
" Mabuti na lang walang tao ngayon dito, dati kasi ako lang ang nakakaalam dito " basag sa katahimikan ni Martin.
"Unti-unti na rin kasi nakikilala tong lawa azul, siguro kasi... marami rin ang gusto mapag-isa" nanatiling tahimik naman ang dalaga at sinundan nya lang ito ng tingin.
ilang saglit pa ay nagtungo ito sa malalaking bato at hinubad ang sapatos saka pinatong doon, walang ka idi-ideya si Lira hanggang sa hubarin ni Martin ang T-shirt na suot. Halos masamid ito sa kanyang nakita na para bang nanonood sya ng porno kung pamulahan ng mukha at pagpawisan.
Gusto nyang ialis ang matang titig na titig pero para bang may magnet ang katawan ng binata para lalo nya pa ito pagkatitigan.
May katamtaman lang ang katawan nito at may kapayatan na bumabagay sakanya, may six-packs at maskuladong braso, sapat na para sabihin mong maiinitan ka pag niyakap ka nito. Moreno at halos ka height lang din niya. Hindi naman na bago sa kanya ang makakita ng katawan ng lalaki, sa mga pasyente pa lamang nya na halos nag gwa-gwapuhan, at kay Lucas pa lang na busog na sya sa kamachuhan nito na wala syang paki alam kahit maghubad pa sa kanyang harapan.
At agad syang napaiwas ng tingin nang makita nyang nakatitig na pala sa kanya si Martin, lihim na natawa na lamang ang binata, sya naman ay lihim na napapikit dahil nahuli sya nito. Sa gilid ng kanyang mata ay nakita nyang naghuhubad si Martin ng pantalon at lumusong sa batis, patay malisya na lamang sya na kunyaring walang nakikita o kahit naaninag.
" Tara Ms. Sebastian, masarap ang tubig " Sigaw ni Martin sa kanya habang nasa gitnang bahagi ng lawa. Pilit na ngumiti lamang sya at muling umiwas ng tingin.
" Akala ko po ba gusto nyo gumaan pakiramdam nyo? Makakatulong ang bukal na tubig para marelax ang pakiramdam nyo "
Napatingin si Lira sa kanya, kitang-kita nya sa mukha nito ang pag e-enjoy sa pagtampisaw sa lawa habang pilit pa rin sya inaaya.
Hindi na lamang nya namalayan ang sarili na humahakbang ang kanyang paa papalapit sa tubig, inalis ang suot sa paa at unti-unti nilusong ito, bahagya pa sya nagitla sa sobrang lamig nito.
Bagamat sanay na magdesisyon sa sarili si Lira, hindi sya basta-basta pumapayag sa alok ng iba maliban sa malalapit nyang kaibigan at magulang nya.
Napa-angat sya ng tingin kay Martin ng makitang umahon ito papalapit sa kanya, sa tahimik ng batis ay di mo aakalin na malalim ang gitnang bahagi nito.
" No, hindi ako maliligo " tanggi nya nang ilahad ni Martin ang kanyang kamay.
" Wala akong dalang damit at.. H-hindi ako marunong lumangoy " bahagya pang humina ang kanyang boses, animoy nahihiya sa huling sinabi nya.
" Umupo ka na lang doon, mangangalay ka dyan " tukoy ng binata sa mga malalaking bato na nasa gilid, napatingin si Lira sa kamay nito na naghihintay, dahan-dahan nyang inangat ang kanyang kamay at humawak dito. Lihim syang napa hinga nang malalim dahil sa ito ang unang beses na may humawak sa kanyang kamay na hindi nya lubusang kilala, ramdam nya ang lamig at magaspang na kamay ng binata pero habang tumatagal ay parang napapalitan ng init na nagmumula sa kanilang mga katawan.
Ginabayan sya nito sa paglalakad hanggang sa makarating sa mga batuhan at doon umupo habang ang mga paa niya ay nagtatampisaw sa malamig na tubig ng bukal.
" Okay ka na dito Ms. Sebastian ? " tanong ni Martin sabay ngiti sa dalaga
" Yes, Thank you " hindi rin mapagilian ni Lira ang hindi mapangiti dahil sa nakakahawang awra ng binata, maging kasi ang mga mata nito ay pawang nangungusap din, sa tuwing ngingitian ka nito ay parang kasalanan kung hindi ka gaganti ng ngiti. Ilang Segundo ang lumipas ng maisipan ni Lira na pagkakataon na nya kausapin ito tungkol sa naging asal nya noong nakaraang araw.
" I'm sorry Mr. Perez, for what I've done to you last time " aniya. Napatingin sa kanya si Martin.
"Naiintindihan ko naman po Ms. Sebastian. Wrong timing lang po siguro ako noon, kaya medyo napagalitan nyo ako " sabay ngiting nahihiyang sagot nito
" But don't worry, babayaran ko na lang ko ang araw mo... "
" Hindi sa ganun Ms. Sebastian " mabilis na pagputol nito sa sinasabi ni Lira
" Isang malaking oportunidad kasi ang maging kliyante ang isang katulad nyo " sandaling natahimik si Lira sa kanyang narinig. Hindi nabago sa kanya ang purihin, halos lahat ay nabibilib sa kanya. Ngunit ang manggaling sa isang normal na taong katulad ni Martin ay para bang isang malaking bagay.
" Isang karangalan din ang maturuan ko ang tulad nyo, ang isang Lira Sebastian " seryosong saad ng binata. Ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ay sinabayan ng pagihip ng hangin, nagsilbing musika ang mga huni ng ibon at pagaspas ng mga dahon sa paligid. Sa mga titig ni Martin ay parang kilalang kilala na nya ang dalaga.
Hapon na ng mapagpasyahan nila na umuwi, dumaan na lang din sila sa isang drive thru at sa sasakyan na kumain. Sa ilang saglit pa lang nila na magkasama ay agad din napalagay ang loob ni Lira sa binata, panay ang kuwento rin kasi nito sa mga nakakatuwang karanasan nya sa kanyang trabaho, bagama't walang maibahagi si Lira dahil sa wala naman syang maalalang kalokohang ginawa sa kanyang trabaho o noong nag-aaral pa sya, kaya wala syang ginawa kundi tumawa at makinig lamang.
Gabi na ng makarating sila sa tapat ng condo ni Lira, agad na pinark ni Martin ang sasakyan, bumaba ito at pinagbuksan ang dalaga.
" Thank you " anito
" Wala po yun Ms. Sebastian. Sana napasaya ko kayo " tumango na lamang si Lira at nagsimula na maglakad papasok ng building.
Hinintay ni Martin na mawala ito sa kanyang paningin at saka umalis, babalik pa kasi ito sa clinic kung saan nya iniwan ang kanyang motor.
Hating-gabi na at hindi pa rin dinadalaw ng antok si Lira, halos maikot na nito ang malawak nyang kama para lang makatulog. Naisipan nyang magbukas ng kanyang f*******:, ang kanyang cellphone ay puno ng missed-call at message ganun din sa kanyang messenger, ang lahat ay naghahanap sa kanya. Walang gana syang basahin ito at kanyang binaliwala ang pag-aalala ng pamilya. Ayaw nyang muling maramdaman ang sakit dahil sa nangyari kanina, hindi sya galit sa ginawa ng kanyang magulang lalo na sa kanyang ama na si Liam. Galit sya sa kanyang sarili dahil sa pakiramdam nya ay isa syang mahinang tao.
Sa kanyang pag pasada sa f*******:, biglang nag pop-up ang isang friend-request. Galing sa isang Ron Martin Perez, hindi nya agad inaccept ang request, napa ayos sya ng higa at dumapa. Inistalk nya ang profile ng binata. Wala sya masyadong makita, halatang hindi rin mahilig sa social media. May iilang shared post at iilang profile picture. Sa bandang dulo ay may isang picture na puno ng likes at comments, sa kanyang nababasa siguro ay nobya nito ang kasamang babae.
Pinagkatitigan ni Lira ang picture, matagal na ito at medyo malabo para bang ito agad ang ginawa nyang profile picture nang gumawa sya ng f*******:. Teen-ager pa si martin na naka wacky face habang ang kasama nyang babae ay nakaside view at pormang hahalik sa pisngi nito.
Habang nakatitig sya sa litrato ay nakatanggap sya ng message mula kay Martin.
" Ms. Sebastian, pa accept po please " sabay sad face. Hindi mapigilan ni Lira ang matawa
" Okay " sagot nya at inaccept ang friend request nito.
" Grabe ang swerte ko, friend ko sa f*******: ang isang Sebastian. Sana sa personal din " smiley face
" We're already friends " reply nya
" Yes!!! " kahit hindi nya makita ang mukha ng binata ay alam nyang nakangiti ito. Muling nag message ito sa kanya.
" Thank you Ms. Sebastian, sorry sa istorbo hehe. Goodnight " smiley. Lihim na napangiti si Lira sa simpleng message nito. Hindi na sya nagreply at pinatay na ang cellphone.
Humiga na sya, at napatitig sa kisame, naalala nya ang pinuntahan nilang lugar kanina ni Martin. Sa simpleng bagay na iyon, sa ilang sandali na tumakas sa problema ay naramdaman ni Lira ang gaan ng pakiramdam nya. Para sa kanya ay tama siguro ang sinabi ng binata, makakalimutan mo sa lugar na yon ang bigat na dala-dala mo, makakatulong ang tahimik ng paligid at pagtampisaw sa paraisong iyon at higit sa lahat ay may makakasama ka at makakausap na makakaintindi sayo.