CHAPTER 1

1824 Words
Chapter 1 "Ladies and Gentlemen, let's all welcome Ms. Lira Sebastian" isang malakas na palakpakan at pagbati ang bumungad kay Lira habang paakyat ng entablado. Gamit ang magagandang ngiti sa kanyang labi ang naging kanyang ganti, halos lahat ng tao ay nasa kanya ang mata at atensyon, mapa babae o lalaki labis ang pag hanga sakanya. Naimbitahan syang speaker guest sa isang international cosmetics laser surgeons sa Bangkok Thailand. Pagkatapos ipakilala ang sarili, nagbigay sya ng motivational speech at ang kanyang vision and mission ang kanyang naging talumpati sa mga kapwa nya Doktor. Sa kanyang pananalita at kumpyansa halatang sanay na sanay sya sa kanyang ginagawa. Ilang oras din ang tinagal ng event kaya atat na bumalik sa hotel si Lira, hindi na rin sya nag aksaya pa ng oras para sumama sa after party nito. Matapos ang kamustahan at saglit na pakikisalamuha sa iba pang mga kilalang mga guest ay agad na sya nag paalam. Hindi pa sya nakakalayo sa kanyang pag-alis ay agad na may humarang sa kanyang dadaanan, may katangkaran si Lira at sabayan mo pa na naka heels kaya kahit matangkad ang lalaki ay hindi na sya nag- angat ng tingin. Ang kaninang iritable ay agad napalitan ng pilit na ngiti. " Doc. Smith " bati nya rito, katulad nya ay isa rin itong kilalang Doctor sa U.K, binata ito at hindi maitatanggi ang kagwapuhan. Maputi ito at asul ang mata ang buhok ay kulay tsokolate at may maskuladong pangangatawan na humahapit sa suot nitong polo " Where are you going Ms. Sebastian? " tanong nito sakanya habang hindi nawawala ang ngiti sa labi, ngunit kahit anong gwapo o tamis na ngiti ng lalaki ang kanyang gawin ay hindi umubra sa dalaga. Napatingin sa paligid si Lira na para bang naghahanap ng saklolo saka sya bumaling ng tingin sa kausap. " I need to go to powder room, if you don't mind " walang emosyong sagot nya. Napatikhim na lang si Doctor Smith " Sure " sabay gumilid ito upang makadaan si Lira. Nang magsimula na ulit syang maglakad  ay muling nagsalita ang lalaki. " I will wait you Doc. Sebastian " ngunit hindi nya ito pinansin bagkus ay nagmadaling maglakad paalis. " You should go to the party Lira, enjoy the night " rinig nya sa kabilang linya habang nakaharap sa salamin at tinatanggal ang hikaw, pilit syang napangiti sa sinabi ng kanyang ama habang kausap nya ito sa kanyang laptop. Agad nya kasi tinawagan ang kanyang magulang nang makarating sa hotel. Namimiss na nya kasi ito kahit dalawang araw pa lang ang nakakalipas. Umupo sya sa kama kung saan kaharap nya ang tatay nya.  " Alam mo naman dad na ayoko sa mga ganyan diba? Magpapahinga na lang ako " maktol nya pa rito. Rinig nya ang pag ngisi nito na parang nangaasar.  " Yeah, I know " sabay singhap nito " Anyway, Hinahanap ka ni Lucas, Tinakasan mo nanaman ba sya? akala ko ba magkasama kayo magbakasyon dyan sa thailand? " " Mabagal kasi sya, male-late na ako sa flight kung hihintayin ko pa sya " napailing ang kanyang ama, alam nito na nagdadahilan lang si Lira dahil ang totoo ayaw nya ito makasama. Si Lucas ay matagal nang manliligaw ni Lira, simula pa lang ng sila ay kolehiyo hanggang sa maging ganap na rin itong surgeon ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagsuyo sa dalaga. Gwapo, makisig at matalino ito. Kumbaga pangarap ng mga kababaihan ang isang tulad nya, kaya maraming nagtataka kung bakit hindi pa ito sinasagot ni Lira o di kaya'y magustuhan man lang. " Don't you still find him attractive? Boto ako sa kanya Li--" agad na pinutol ni Lira ang sinasabi ng kanyang tatay. " Asan pala ang Mommy? " hindi nagsalita ang kanyang ama, sumenyas lang ito na natutulog sabay turo kung nasaan ang pinto ng kanilang kwarto mag-asawa. Mapait na napangiti na lang si Lira, akala nya ay maabutan nyang gising ang kanyang ina kaya sya nagmamadali na makabalik sa hotel. " Pakisabi na lang kay Mom na tumawag ako. Bukas na lang po ulit, mag papahinga na po ako " hindi n nya inantay sumagot ang ama at agad na pinatay nito ang tawag. Napatingin sya sa orasan, alas Nueve na ng gabi dahil mas ahead ang Pinas ay alas Dyis na doon, maaring nakatulog na nga ang kanyang ina. Bukod pa roon ay ayaw na nya makipag debate pa tungkol sa pinipilit ng kanyang ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sya tinatantanan sa pagrereto kay Lucas. Pagkasarado nya ng laptop ay agad sya humiga, hinilot ang sintido habang mga mata ay nakapikit. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng may biglang pumasok sa kanyang kwarto. " Gosh, andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap " hindi na nagawang imulat pa ni Lira ang kanyang mata dahil kilala na nya kung sino ang basta-basta na lang pumasok sa kanyang kwarto. " Walangya ka, kanina ka pa hinahanap sakin ni Doc Smith! Mukha ba akong taga  lost and found? At ako kinukulit kung nasaan ka? Hanapan ba ako ng taong nawawala?  " " Ang ingay mo naman, nagpapahinga ang tao eh " reklamo ni Lira sa kausap habang nanatiling nakapikit " Mukha ba akong security guard at sakin ka nila hinahanap? Halos iluwa ko na nga tong dibdib ko sa kanila dedma pa rin beauty ko at ikaw pa rin ang gusto. Kaloka! " natawa na lang si Lira sa pagmamaktol ng kaibigan. Bumangon na ito mula sa pagkakahiga at nagtungo na sa banyo upang maligo, ilang sandali dumaan ang katahimikan ng muli magsalita ang kaibigan. " Ganyan ka na ba talaga? Hindi ka man lang maglalakwatsa para mag hanap ng afam dito sa thailand? Manok na ang kusang lumalapit sayo magpapatuka ka na lang oh " Ngunit nanatiling tahimik ito, tanging pagbukas ng shower at lagaslas ng tubig ang maririnig sa banyo. " Jusko Lira baka sinasapot na yang mani mo dyan. Sige ka baka mamatay kang nabubulok yan-- OUCH!! " mabilis na binato ni Lira ng damit ang kaibigan nyang si Lucy para manahimik. Inirapan nya na lang ito at saka bumalik sa pagligo, napanguso na lang ang kaibigan habang hinihimas ang mukha na tinamaan. Kinaumagahan, pabalik na ng Pilipinas sila Lira, sa isang araw pa sana ang flight nila pabalik pero pinilit ng dalaga na kailangan na nya umuwi dahil may aasikasuhin pa sya sa kanyang negosyo.  " Kainis ka talaga Lira, ang K.j mo talaga sa mga gala " pagmamataktol ni Lucy " mantakin mo, imbis na isang linggo tayo sa Thailand naging tatlong araw lang. " " Sino ba kasi nagsabi sayo na sumama ka pauwi? Pwede ka naman magpaiwan " walang emosyong saad ni Lira sa kaibigan habang pirming nakaupo. " As if namang hahayaan kitang bumyahe mag-isa " tanging pag-irap lang ang sinagot nito sa kaibigan at kalaunay napangiti na lang din. Kahit kung minsan ay nakukulitan na sya sa kaibigan nya ay hindi nya magawang magalit o mainis man lang dito. Bilang natitirang anak ni Mary at Liam lumaki mag-isa si Lira. Ramdam nya ang lungkot at pangungulila sa kanyang mga kapatid. Bata pa lang sila nang magkakilala ni Lucy, lalo silang naging malapit sa isa't-isa matapos ang insidente sa pagkamatay ni Liane. Kalaunay inampon at pinag aral ng mag-asawa ang batang si Nini na taga ampunan na ngayon ay kilala na bilang si Lucy, dahil dito tinuring na nya itong kapatid. Agad na dumiretsyo sa kanilang bahay si Lira dala ang mga pasalubong para sa mga ito, mag uumaga na sila nang makarating. Naabutan nyang nasa hapag kainan ang kanyang magulang habang nag aalmusal. " Lira? anak! " gulat at masayang bungad ng kanyang ina, si Mary. Agad na lumapit si Lira sakanya at niyakap nang mahigpit. " I thought one week ang vacation mo doon sa thailand, nagka problema ba? " sabay simsim ng kape ni Liam, lumapit naman si Lira rito sabay halik sa pisngi. " Parang hindi nyo naman kilala yang anak mo Tito " Singit ni Lucy habang nagbe-bless kay Mary at Liam. Hindi sya pinansin ni Lira umupo na lang ito sa tapat ng kanyang ina habang nasa gitna ang kanilang padre de pamilya. Hindi na sila nagtanong pa, alam na nila ang dahilan hindi ugali ni Lira ang gumala o kahit mapalayo sa kanyang magulang. Nagsimula na sila mag almusal. Pinagusapan ang nangyaring event na sobrang ikina proud ng mag-asawa dahil sa nangyayaring tagumpay sa buhay ng kanilang anak. " Sasabihin ko kay lucas na nakauwi kana " pag-iiba ng usapan ni Liam. " Dad…" tutol ni Lira " Lira anak, you're turning 30. Namatay ang lolodad at mommyla nyo na nangungulila sa kanilang apo. Tumatanda na rin kami ng mommy mo. Gusto namin maabutan ang magiging apo namin sayo " tanging buntong hininga lamang ang naisagot ni Lira. Muli nanamang naungkat ang usapin sa kanyang pagaasawa.  Habang tumatanda si Liam ay nakukuha nya ang pagiging strikto ng kanyang ama, bilang walang anak na lalaki at tanging si Lira na lang ang natitirang anak. Nasakanya ang lahat ng pressure sa magiging tagapag mana ng ari-arian ng Sebastian. Tanggap naman ng kanyang ama na ibang industriya ang pinasok ni Lira kaya sa magiging anak na lang nito ang susunod sa yapak ni Liam. " Honey, Don't pressure your daughter " singit ni Mary. "  Hayaan mo syang pumili kung sino ang gusto nyang mapangasawa at mukhang wala pa sa isip nya ang magkaroon ng pamilya " . Hindi na nakipag talo pa si Liam, hindi na rin muli nagsalita si Lira.  Para bang may dumaan na anghel at bigla tumahimik ang lahat. Doon na sila nagpalipas ng gabi at pagdating ng umaga ay nagpaalam na rin ito. Habang nasa byahe ay huminto sila sa isang coffee shop, nag take-out na lang sila para sa opisina na ito inumin ngunit paglabas ni Lira ng shop saktong may nakabangga syang isang lalaki. Literal na napanganga ito nang tumapon ang ice coffee sakanyang damit. " OMG! Are you okay? " tanong ni Lucy kay Lira habang pinupunasan ang nabasang parte ng suot. " Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan " saad ng lalaking nakabangga. Inis na napa angat ng tingin si Lira. "  Really? Ikaw na nga ang nakabangga, ikaw pa ang galit " pagtitimpi ni Lira pero imbis na magsalita ay laking pagtataka nya nang magiba ang reaksyon ng lalaki. Animoy nagulat at namangha sa kanyang nakikita. Napa kunot noo si Lira sa inaakto ng lalaki. Hindi malaman kung magsasalita ba o ano habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. " Let's go girl, mukhang baliw lang ata yan " agad hinila ni Lucy si Lira paalis ng shop. Iniwan nila ang lalaki na tulalang tulala pa rin sa kanya. Agad na nagtungo si Lira sa sasakyan, akmang bubuksan na nya ang pinto ng biglang sumigaw ang lalaki. " Bea " nang marinig ito ni Lira agad sya napahinto, sa di nya malamang kadahilanan nilingon nya ang lalaki at pinagkatitigan ito. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ng lalaki habang nakatitig sa kanya. Kung titigan sya nito na parang kilalang-kilala sya. Hindi na lang nya ito pinansin at Pinagwalang bahala na lang nya saka sumakay ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD