ANDREI POV Pagkabihis ko ay kaagad akong umalis. Kinuha ko ang duplicate key ko at saka ko pinaandar ang sasakyan ko. Sobrang bilis ng pagmamaneho ko pero wala akong pakialam. Ang mahalaga ay maibalik ko kaagad sa akin si Astrid! Ilang oras ang minaneho ko at dumaretso ako sa mansion. ''Mom!'' sigaw ko pagkabukas ko ng pinto at natataranta naman siyang bumaba ng hagdan. ''A-Andrei, ang bilis mo naman nakabalik?'' sabi nito ''Ano ang address ng bahay ni Astrid?'' tanong ko at hindi na inintindi ang sinabi niya. ''H-Ha? May address ba si Astrid? Baka kapag binigay ko sa'yo ang address ni Astrid, mawawalan siya ng adress kasi nasa iyo na?'' kinakabahan sabi nito pero tinitigan ko lang siya para sabihin na hindi ako nakikipagbiruan. ''Anong. address.ng.bahay.ni.Astrid!'' madiing sabi ko.

