ANDREI POV Pagkatapos ng kasal ay nagpunta kami sa mansion ni Dad para mag celebrate ng kami-kami lang. Kwentuhan, tawanan at asaran ang nangyari. ''Paano ba iyan, Andrei? Kung tinakasan ka ni Astrid kanina malamang ay iiyak ka na,'' pang aasar sa akin ni Tres pero tumawa lang din ako. ''At saka kanina si Astrid, halos patayin na itong si Ren dahil akala n'ya kay Ian s'ya magpapakasal,'' natatawang sabi naman ni Tiffany. ''Eh, kayo kasi niloloko n'yo ako!'' nakasimangot na sabi ni Astrid at lalong nagtawanan ang mga kasama ko. ''Sinasabi ko na nga ba na patay na patay ka sa akin, Astrid,'' sabi ko bago ko s'ya akbayan pero kinurot n'ya ako sa tagiliran ko. ''Tse! Hindi mo naman sinabi na ikakasal na pala tayo!''sabi nito. "Surprise nga eh, at saka isa pa, baka nakakalimutan mo ang p

