Lasing Umayos ako ng tayo. Nilingon pa ko ni Cal bago sumenyas na susundan niya ito. He threw me a meaningful look before jogging towards the locker rooms. "Rae, may iche-check lang ako.. Ikaw muna ang bahala rito," "Sige lang, Ate. Parating din naman daw si Ate Adea." Tinapik ko rin muna sina Aki. I briefly congratulated all of them bago magpaalam. Halos half-run na ang ginawa ko nang pumihit patungo sa locker areas. Nang makarating sa hallway ay natanaw kong bukas ang pinto ng locker room na na-assign samin. Ilang metro mula sa pinto ay rinig ko na ang boses ni Cal mula sa loob. "Kumpleto ka naman ata sa bakuna pero bakit nauulol ka tuwing nagseselos.." Marahan akong huminto sa tapat ng bukas na silid, maingat upang hindi makalikha ng anumang ingay. Gayunpaman ay agad pa ring nar

