Relief Hindi na ako nakaimik hanggang pag-uwi. Nag-aya pa sanang mag-xbox si Cal pero wala akong gana. More than the physical exhaustion for such a hectic day, I feel like I'm more spent mentally. Hindi na rin ako nag-abalang pumunta kina Ali taliwas sa sinabi ko sa kanya sa text. Tama si Elcid. Maybe I've been invading Ali's life too much. Kaya siguro ganon ang tungo at mga sagot niya sakin. Marahil ay napupuno na siya. I should know my place. Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko sa patio si Mommy kasama si Tita Henrietta, Cal's mom. They were having a tea. "Kumusta na ang future daughter-in-law ko?" hirit pa ni Tita. Nginisihan ko lang ito at sinakyan ang biro tulad ng madalas. Kung sa ibang pagkakataon ay marahil nanatili pa ko upang makihalubilo. Ngunit dahil ramdam ko ang tamlay

