Desidido "Cal, you meddled with my i********: again?" bungad ko sa kabilang linya. Naghahanda na ko papasok sa trabaho nang mapansin kong andaming posted pictures sa stories ko mula sa trip namin sa Tagaytay kahapon when I clearly don't remember uploading even one. "Hindi lang ako ah? Sila Davion din naman," Umikot ang mata ko. Halata nga! Tadtad iyon ng mga mukha nila. May mga videos pa! Puno na naman tuloy ng reactions mula sa fangirls nila ang inbox ko sa Ig. "Ang pilosopo mo!" "Nagpaalam kaya kami sayo," pa-inosente pang sabi niya. "Hindi kaya! Wala 'kong maalalang nagsabi kayo," "Tss.. that's because you were asleep the whole time yesterday," "I wasn't!" "Yeah you were awake for like an hour or two," sarkastikong aniya. "Only when we had to eat or walk." Suminghap ako. Sus!

