Cloud’s Point of View
Pinatawag ako ni Red sa Main Office sa Pasay. Kababalik ko lang galing sa US. Trabahong may kasamang lakwatsa. This is life.
“Gusto mo bang kuhanin?” tanong nito. Binigay ang contract sa akin at binasa ko. Party sa itaas?!
“Ilang oras ang party?” I asked. Wala kasing nakalagay na time table. “From Manila to Thailand. Round trip,” sagot ni Red.
“Ilang araw sa Thailand?”
“Basta three nights,” sagot ni Red.
“Sige. I’ll take it,” I replied. “Si Aries ang co-pilot mo. I’ll let you know the details. Kasama si Lise sa team na magko-cover nito.” Napataas ang kilay ko.
“Alam ba ni Renz ‘yan?” He chuckled. “Matanda na siya para hindi makaintindi.”
“Oh? If I’m not mistaken, parang hindi ka rin maka-move on kay Ayano.”
“Si Angel ang hindi maka-move on kay Ayano,” tanggi ni Red. I chuckled. Kawawang Ayano.
“Let me know the details. Nasa Country Club lang ako,” I told him.
Red became my friend and a silent partner in RS Aviation. Red is the major stock holder ofcourse. Twenty percent lang ang sa akin. Sapat na para hindi ako maghanap ng ibang trabaho.
Magaan ang work ko dito. Nakakapili pa ako ng flight na gusto ko. Sa dami ng mayaman na hibang sa private flight, buhay ang negosyo namin.
Gaya n’yan, party at 39,000 feet above sea level. Gaano kagulo ang party na ‘yan? Buti hanggang Thailand lang.
“Uy Cloudio, tangina nagpakita ka rin,” bati ni Audi sa akin nang pumunta ako sa Club Zero.
“Kamusta?” bati ko sa kanila.
“Same, same. Bakasyon mo ba?” tanong ni Tristan. “Mga ilang araw lang. Mayroon akong biyahe ulit. Hinihintay ko lang ang confirmation galing kay Red,” I replied.
“Sarap ng buhay nito,” sagot ni Neil. “Leisure and work in one.”
“Akala niyo lang,” I replied. Hindi na kailangan pang sabihin na minsan nakakapagod ding umupo sa masikip na flight deck.
“Balita namin may iniwan kang luhaan sa Korea,” Audi is fishing for information again. Napaka-tsismoso ng taong ‘to.
“Saan mo na naman nabalitaan ‘yan?” tanong ko. “Nadagdag ba sa Club High Mile mo iyong Koreana?” balik na tanong nito.
“Hindi naman Korean,” I said.
Nagsimula na ang kulitan. Syempre, hindi naman ako kiss and tell. Si Audi lang iyon. Tinatawanan ko lang ang mga hula nila.
Hindi naman kasi Korean. Nakilala ko lang sa South Korea. Nagulat pa nga ako noong makita ko noong umaga. Parang ibang tao ang nakasama ko noong gabi kaysa sa kasama ko noong umaga. Kaya sinusumpa ko ‘yang make-up na ‘yan. Lakas makapeke.
Nagpasalamat na lang ako na totoong babae iyon. Medyo masakit ang sampal niya nang tanungin ko kung totoong babae siya.
Jetlag. Nakakamatay. Nakakamatay ng oras. Kailangan kong sabayan ang oras ng Pinas para masanay ang katawan ko na hindi matulog ng umaga. Nagpunta ako sa Grace Hotel para mag-breakfast. Nasanay ako sa US na sweets agad sa umaga. Sinadya ko talaga ang Sweet Bell. Sabi ni Kath, masarap daw ang cupcakes dito.
“Good morning, Sir,” bati ng isang maganda at matangkad na babae. Naka-uniform ito na pang chef.
“Good morning. What is your best seller?” I asked her. “We have salted caramel, red velvet, choco jack. And if you want a refreshing taste, I recommend sweet lemon cupcake,” she said.
“Okay, give me half dozen. Assorted flavour of all that you recommended. Add oreo cheesecake and carrot cupcake.”
“Any coffee?”
“Give me the biggest cup that you have.” I gave her my card and she asked me to sign on the receipt.
Hindi naman masyadong marami ang tao, siguro dahil maaga pa. Umupo ako sa table katabi ang isang babaeng busy sa tablet. A service crew gave my order and I started eating. Ang ganda ng hotel at ng community dito. Ang galing ng mga kaibigan ko. Naalala ko ang pagtanggi ni Red bago itayo ‘to.
Sino niloko ni Red na naka-move on na siya kay Ayano?
Masarap nga ang cupcakes, bagay sa coffee. Nakakadalawa na ako nang marinig ko ang pangalan ko.
“Cloud, I miss you, baby,” I heard someone said. Napatingin ako sa paligid. Wala namang babaeng umaaligid. Kulang na yata talaga ako sa tulog.
“Cloud? Cloud. Suplado ah. Miss na kita, baby,” I heard someone said again. Tumingin ako sa likod ko. Parang galing sa babaeng nasa likod ko.
“Excuse me. Are you calling me?” I asked. Humarap naman ang babae. She’s wearing a huge, huge eyeglasses. Her hair is in perfect bun. Walang kahit isang buhok na naliligaw ng landas. I smiled at her, but she didn’t smile back.
“Sorry you must be mistaken. I don’t know you,” she said at humarap ulit sa tablet niya.
“Cloud? Don’t you miss me, baby?” she said. I am positive that she said my name. I tried to look at who she is talking on her tablet. Baka kinakausap niya ang picture ko. Malay ko ba.
“Miss.” Kinalabit ko siya. “What?” she asked, irritated.
“I am positive that you said my name.”
“I don’t know you,” sabi nito. “You said Cloud, right?” I asked.
“Yes. I am talking to my cat.” Pinakita nito ang isang pusa na nagme-meow sa screen. Isang puting Persian cat.
“You’re talking to a cat?” I asked, amused. Is she for real? She’s talking to a cat via video call? Kinuha nito ang tablet niya at tumalikod ulit.
“Cloud,” tawag niya ulit sa pusang kausap. “And you named you cat after my name?” Hindi ako makapaniwala sa nadidinig ko.
Sinong matinong tao ang magpapangalan ng Cloud sa pusa? Ibinaba nito ang tablet at humarap ulit sa akin.
“Sinong matinong tao ang magpapangalan ng Cloud sa isang tao? Sorry kung ang pangalan mo ay ka-level ng pusa ko,” she said sarcastically. She ended the video call, gathered her things and marched towards the door.