Cloud’s Point of View Inaabangan kong mayroong magbukas ng pintuan sa kabilang bahay para magkaroon ako ng dahilan para batiin at kausapin kung sino man ang lalabas o papasok dito pero mukhang walang tao sa kabila. Mayroon pa ring bakat ang pagkakasampal ni Yumi sa akin kagabi. Nawala ang hilo ko sa lakas ng sampal nito. “Cloud. Pinapahanap ka ni Red,” sigaw ni Renz na huminto sa tapat ng bahay ko sakay ng kabayo. Napabuntong-hininga ako. “Sumunod ka sa Admin office. Hihintayin ka raw niya,” pahabol niya bago tuluyang pinatakbo ang kabayo. Tinawag ko ang dumadaang Golf Cart at nagpahatid sa Admin Building. “Okay ka na?” tanong ni Red. “Hindi mo ako sesermunan?” “Hindi. Nasampal ka naman na kagabi. Bakat pa nga sa mukha mo.” Napabuntong-hininga ako. “Hindi mo tatanungin kung bakit k

