"I never knew that MYSELF is my worst nightmare." Kabanata 42: Surprise Pahikab hikab na nakapatong ang isang kamay sa baba niya habang titig na titig sa kanyang laptop kung saan nakikita niya ang mga nagaganap sa Mafia Society, hindi maikakaila ang nagsusumigaw na karangyaan ng lugar na pinagdadausan ng nasabing pagpili. Naroroon ang maraming Mafia Boss mula sa iba't ibang bansa. "Ano'ng oras na" nakasimangot na kausap niya sa sarili nang masilip ang malaking digital clock na nasa side table ng kama nila. Wala pa'rin kasi ang kanyang asawa. Binuksan niya ang beer-in-can na isa sa mga nakahilera sa ilalim ng kama nila. Nakaka-apat na bukas na siya at hindi pa'rin naman siya nalalasing, dahil hindi siya madaling tamaan p'wera nalang sa mga alak na pagma-may ari ng kanyang mahal na asaw

