“F*ck me, sir!” I answered. Napatakip ako ng bibig dahil sa pagpigil ng tawa. Ayoko naman na marinig niya ang pagbibiro ko.
Naging tahimik ang kabilang linya, “Really?” I heard him smirked. Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Napaayos ako ng tayo. I gulped, parang may nakabara sa lalamunan ko. Naasiwa ako bigla. Binaba ko ang laylayan ng bestidang suot ko. Napatingin ako sa ibabang bahagi ng katawan ko. May kaputian ako kaya medyo madami ring lalaking nagkakagusto sa ‘kin.
Bakit ko naman iniisip ‘yan?
“S-Sir, sorry po. G-Gusto ko po sanang linisan ang kwarto niyo dahil sobrang baho,” nauutal kong sambit. Ano ba ‘tong ginawa ko, uminit bigla ang batok ang pisngi ko. Bumuga ako ng malakas na hininga. Hindi dapat ako nag-iinit dahil lang do’n.
“You can enter next time,” malamig niyang tugon. Tumango ako. Progress naman na siguro ‘yon hindi ba? Pinayagan niya akong pumasok sa kwarto niya.
“Okay po,” I pressed my lips together. I should stop myself from grinning. I walked down the stairs. Naisipan kong maglaba na lang muna dahil kakapalit ko lang ng mga beddings at covers ng mga sofa sa bahay na ‘to. I whistled. Kumuha ako ng sabon sa ilalim na cabinet saka nagtungo sa washing machine. Hindi naman siya sobrang dumi, maalikabok lang.
***
Ilang araw na ang lumipas. Hindi na ako nakakapasok sa kwarto niya. Nahiya naman akong pumasok na lang, lagi kong iniiwan ang pagkain niya sa labas ng pintuan, na hind rin naman niya inuubos. Hanggang ngayon nag-iisip pa rin ako kung ano ang maitutulong ko sa kaniya. Bumuntong-hininga ako habang nakatitig sa kwarto niya. Mangangamoy lang lalo ang kwarto niya kapag tumagal pa. hawak-hawak ko ang walis, dustpan at map na merong pabango.
Humakbang ako papalapit sa pintuan at kumatok, “S-Sir,” kinakabahan ako. Baka kasi sumigaw na naman siya. Siguro kung madaming tao dito, mahihiya ako ng husto. Tinuruan kami ng mga magulang naming kung paano gumalang sa kapwa tao, pero siguro ‘yong ugali niya ngayon gawa lang din ng galit at lungkot, “Nandito po ako para maglinis ng kwarto ninyo,” mahinahon kong sambit.
Umatras ako ng kaunti para sa possibleng sigaw at pagtapon niya ng mga bagay sa pintuan dahil ayaw niyang pumasok ako sa kwarto niyang parang kulungan. Kinukulong niya kasi ang kaniyang sarili.
Ilang segundo ang lumipas ng bigla hindi sigaw at pagbabasag ang narinig ko kung ‘di ang pagpihit ng doorknob. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ko. I nibbled my lips. Bait na siya?
Excited kong kinuha ang mga gamit ko at hinila papasok ng kwarto niya. Parang gusto kong magsuka sa amoy, hindi ko nga napigilan ang sarili kong maduwal.
“S-Sorry po, sir,” sabi ko. Hindi naman niya ako sinagot. Narinig ko na lang ang yabag niya papalayo hanggang sa nawala ito, “Hindi po ba puweding buksan ang bintana o kaya ay ang ilaw.” Pakikiusap ko. Hindi lalabas ang amoy na ‘to kung nakasarado ang bintana at hindi ko rin makikita kung nasaan ang mga dumi.
“No,” mabilis at malamig niyang sagot sa ‘kin. Hindi ko alam kung nasaan siya banda. Anong gagawin ko ngayon? Maging aso at amoyin kung nasaan ang mabahong ‘yon?
“Nagsuka ka ba dito, sir?” kuryoso kong tanong. Baka kasi mawalis ko at madumihan ‘tong gamit ko.
I heard him tss…
“Sa tingin mo ganiyan ako ka baboy dito sa kwarto ko?” tanong niya pabalik sa ‘kin. I started rubbing the floor. Ang daming alikabok sa sahig. Ngumisi ako habang nagpupunas, “Syempre, hindi. I have my washroom. I can go there anywhere.”
“Naku, hindi naman po, sir. Natanong ko lang po, hindi ko kasi alam kung ano ang amoy na ‘to,” sabi ko.
“Just shut up your mouth and do your work, Maria,” tugon niya. Ang boses niya ay kasing-tigas ng mga bato. Kapag nagsasalita siya parang may kulog. Natigilan ako sa paglinis at tumingin sa kaliwang parte ng kwarto. Tumaas ang gilid ng labi ko.
“Kilala ko na po ako, sir?” natutuwa kong sambit. Uminit naman ang pisngi ko. Ang sarap pakinggan kapag tinatawag niya ako gamit ang pangalan ko at hindi na puro mura ang ipinupukol sa ‘kin.
“Stupid, you told me your name last time. How can’t I know?” naiinis niyang tugon. Gaano ba kataas ang pride nito?
Napalabi ako, sumagi sa isip ko ang unang punta ko dito. Oo nga, nagpakilala ako para malaman niyang bagong kasambahay ako, “Sir, nakikinig din pala kayo sa ‘kin? Akala ko kasi hindi, e,” usal ko na may panunuya. Humagikgik ako. Siguro kailangan ko na lang laging magpatawa para lumiwanag naman ang buhay niya.
He groaned, “Puwedi bang itikom mo ‘yang maingay mong bibig?! I hate your guts,” tugon niya. Tumama sa ‘kin ang malambot na unan, tumama sa ulo ko.
“Aray ko! Ang harsh mo talaga!” hindi ko napigilan ang sarili kong pagtaasan siya ng boses. Hindi naman talaga masakit kasi malambot ‘yon. Gusto ko lang talagang magsakit-sakitan, matching tawa ng konti, “Dapat maging mabait ka rin,” sabi ko at nagbabakasakaling maging mabait talaga siya sa pagtrato niya sa ‘kin, “Pero alam mo, sabi nila kapag daw may ayaw sa ‘yo ibig sabihin no’n ay you’re doing a good job.” Nasabi ko lang dahil narinig ko lang ‘yan sa isang tao.
Minsan kasi nakakarinig ako ng mga magagandang salita, ginagamit ko rin sa ibang tao.
Lumabas na ako ng kwarto niya. Minsan pinipigilan ko na lang talaga na 'wag mainis sa kaniya. Kung hindi lang dahil sa pamilya ko hindi talaga ako magtatagal dito. Hays, miss ko na sila. Inaalagaan kaya sila ng mabuti do'n? Sa tingin ko naman tama ang naging desisyon ko.