Flashback... "I'm sorry," he whispered. Lalo lang akong napangiti. I sniffed his hair. Ang bango ng buhok niya, "Naging ma- pride ako." Dagdag pa niya. "Bakit ba kasi hindi mo ako kinakausap?" tanong ko, "Ang bilis mong magtampo!" ani ko. "Kaya nga, by. You always spoiled me, syempre magtatampo ako kung hindi mo magagawa 'yon para sa 'kin," sagot niya. Tumaas ang dalawang kilay ko. That's what I am. Pero kanina pagod kasi ako at tsaka ang taas na ng araw, wala akong magagawang trabaho kung ando'n lang ako. Hindi naman ako galit sa kaniya. Ang cute nga niya magtampo. Kinurot ko ang ilong niya ng marahan, "Ikaw talaga, nagiging spoiled ka na rin kasi," sambit ko. Nakita ko ang pagngiti niya. Bumukas ang mga mata niya. Hindi na lungkot ang nakikita ko dito kung 'di at saya. "Bati n

