*Ai's POV* 20 years ago "Mama!" lumingon sa akin si Mama nang bigla ko siyang tawagin kasi hindi na niya ako naasikaso at puro si Gabrielle na lang ang kasama niya.At siya na lang lagi ang kasama ni Mama. Hindi na ako. Humarap sa akin si Mama tapos si Gabrielle ay nagtago sa likod niya tsaka ako tinignan. Bagong ligo ito at halatang inasikaso ni Mama, samantalang ako, ni hindi pa ako binigyan ng breakfast ni Mama. Huminga ako nang malalim. "Nagugutom na po ako" Ngumiti si Mama tsaka lumapit sa akin. "Anak, may pagkain na akong inihanda sa lamesa para sa iyo. Ikaw na ang bahala. Di ba, big girl ka na?" ngumiti si Mama sa akin tsaka ko tinignan ng masama si Gabrielle. Mula kasi ng dumating siya dito sa bahay ay siya na lang ang inaasikaso ni Mama at hindi na ako. Minsan naiisip ko na

