Napansin ni Nicole ang minsang pag – uusap ng dalawa na silang Julie at si Jason. May namamagitan na ba sa kanila? Napatanong na lamang sa kanyang isipan na minasdan ang dalawa na papalihim. Pero, hindi naman, nakikipagkaibigan lang si Jason, hindi kagaya ni Raymond. Napagkumpara pa niya ang dalawang binata noon. “Julie,” tawag niya sa kanyang kaibigan. “Yes Nicky, ano iyon?” Tanong pa nito sa kanya. “Mamaya sa recess.” Napasabi na lamang niya. “Gagi ka talaga.” Tanging sabi nito sa kanya. Nang dumating na ang paborito nilang subject na recess, kaagad naman silang bumili ng pagkain. Napansin niya ngayon na wala si Kelly. “Meli, nasaan ang ate mo ngayon?” Tanong pa niya rito. “Baka abala lang iyon, pupunta rin naman iyon kaagad dito.” Tanging sabi ni Melissa na nagmamasid din na h

