Nakita ni Melissa na nakahalumbaba lang ito ngayon sa upuan, lalapitan niya sana ito nang napansin niyang natutulog ito nang mahimbing. Napabuntong – hininga na lamang siya noon. Hayaan ko na nga lang. Napasabi na lamang sa kanyang isipan, bumalik na rin siya sa upuan. I’m happy that she sings again, iyon nga lang kailangan pa talagang pilitin, dahil nag – iingat ito palagi sa isang katauhan nito. Napasabi na lamang sa kanyang isipan noon na tiningnan ang natutulog na si Julie sa upuan. “Ah, tulog na naman.” Tanging rinig niyang galing kay Nicole, tiningnan lang niya ang pinsan niyang nilagay ang gamit nito. Napatango na lamang siya sa sinabi ni Nicole. “Hayaan na lang natin.” Tanging sagot na lamang niya noon. “Well, she’s really tired yesterday, isa pa’y kailangan din niyang ipahing

