"Kuya," tawag ni Nicole sa kanyang kapatid. Hindi pa niya lubos maisip na nangyari iyon kay Kelly; nadamay pa talaga ito sa pinagagawa at nasisi sa kasalanang hindi naman nito ginawa. Tinitigan na lamang siya ni Jonathan, naghintay sa sasabihin niya, nagpakawala siya ng isang mahabang buntong-hininga bago nagsalita si Nicole. "Why is it really unfair when it comes to ate Kelly?" Tanging tanong na lamang niya rito. Hindi naman ito nakaimik sa katanungan niya kaagad; nag-isip pa ito sa kung ano ang isasagot nito sa kanyang katanungan. "Yeah, it's really unfair on her part. Alam ko namang lumaban ng patas ang pinsan mo para sa sarili niya, maybe because she’s a strong-willed girl." Tanging nasagot pa nito. Napatango na lamang si Nicole. Alam ko namang matapang si ate Kelly, lumalaban it

