Napabilib naman si Julie sa sinabi ni Nicole kanina. "Ang tapang noon, Nicole." Tanging sabi na lamang niya rito na hindi pa rin siya makapaniwala noon. Susugurin na sana niya iyong Airah nang batuhin nito ang kaibigan niya, dahil dumugo ang pisngi nito. "Nicky, is your face okay?" Tanong naman ni Melissa na dali-daling linapitan ang pinsan nito na tinitingnan din ni Joel kung may galos pa ba ito. "Okay lang ako." Tanging rinig nila kay Nicole. "It’s really a strong and commendable thing to say, Nicky. I know Joel feels so proud of you." Tanging sabi pa ni Raymond na napailing-iling pa. Namula naman ang pisngi nito. "I—I just say what’s on my mind, saka I hate to see na si Joel ang nasisisi ang lahat, hindi naman kasalanan iyon ni Joel." Paliwanag pa nito. Mahina lang siyang napatawa

