I

1592 Words
Nakakainis naman to oh! Bakit ba kailangan akong ilipat ni Mommy rito, ayoko sa lugar na' to! Si Mommy talaga! Sabi sa kanyang isipan na nakasunod sa bago niyang guro na patungo sa bago niyang silid - aralan. After her father died one year ago, she need to kept that promise to go in private school, kung saan nag – aaral ang kanyang kapatid na lalaki, she need to do it. Kailangan niyang magpakabait ngayong nasa Grade 9 na siya. Napabuntong – hininga na lamang siya. "Dito ka na muna ha? Tatawagin lang kita." Sabi ng guro na tinanguan siya. Mabait naman ang gurong magiging adviser niya sa klaseng papasukan niya. Pinapasasalamat na lamang niya na isa itong mabuting guro na tinanggap siya. Tumango lang si Julie bilang pagsang - ayon niya, pumasok naman ang guro sa magiging bagong silid - aralan niya. Napabuntong - hininga naa lamang siya na nakatayo sa labas na sumisilip - silip din, kung anong mga ugali ang mga makakasalamuha niya sa bagong lilipatan niya. Malaki ang espasyo ng kanilang silid - aralan, saka napansin niyang kakaunti lamang ang mag - aaaral sa loob, talagang kapag first section, espesyal talaga iyon. Iyong mga kaklase niyang hindi pa nakasoot ng uniporme nito. "Good morning class, " bati ng guro sa mga bata, rinig na rinig niya ang mga usapan sa loob, kasi nasa pintuan lamang siya na nakikinig. Nagtayuan ang mga mag - aaral at agad bumati pabalik sa guro. "Good morning teacher" sabay-sabay sabi ng mga mag- aaral. "Take your seat. Before we start our orientation, we have our new classmate that joins us today," nakangiting sabi ng guro sa klase. Nakita niyang nagbubulungan pa ito. "She or he?" Tanong ng isang mag - aaral, nakita niya ang postura nito, alam niya agad na hindi niya makakasundo ang magiging kaklase niya. Napailing na lamang siya, gusto niyang umupo sa sahig dahil napagod na siya sa kakatayo. "No. She is a girl," Sagot ng guro sa nagtanong. Nagtanguan naman ang mga mag - aaral. "Girl raw." Pabulong na sabi ng isang lalaki na napangisi pa sa kausap. Napaismid lang si Julie sa mga naririnig niya sa labas, naka - cross - arm na lamang siya. She wears her favorite shirt and favorite jeans, total hindi pa natapos na tahiin ang bago niyang uniporme. "Teacher, from what school is she?" Tanong ng isang babaeng medyo nagtataray din, tila nandidiri sa bagong salta na kagaya niya. "Dati siyang nag- aaral sa public school, when she's Grade 8 Junior High School." Sagot naman nito. "What!" Mahinang sabi nito, nasulyapan niya ang reaksyon nito na nagulat at bumulong sa mga kaibigan nitong babae. First time ba nilang may lumipat ng public school rito? Napatanong na lamang sa kanyang isipan na hindi maiwasang mapataas ang kilay niya. Sinulyapan siya ng kanyang guro, alam na niya ang ibig sabihin noon. "Let us welcome her, and be friendly to her." Sabi naman ng guro na sinenyasan siyang pumasok. Agad siyang pumasok. Mabuti na lang ay hindi pa sila naka - uniporme. Ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanya, may nasalubong siyang mga tingin na tila hinuhusgahan siya kong karapat- dapat ba siya sa paaralang tinapakan niya ngayon. Inakbayan siya ng kanyang magiging adviser. "Now Julie, please introduce yourselves to your classmates," mahinahon nitong sabi sa kanya. Tila, umurong ang dila niya noon, pero kailangan niyang magpakilala sa mga magiging kaklase niya. "Julie Marie J. Navares." Maikli niyang sabi "Nice meeting you all." Sabi niyang medyo kabado na tinitingnan ang mga kaklase niya noon. May mga bulong -bulongan na naman siyang narinig, tiningnan siya ng isang lalaki na tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Alam na niya ang rason kung bakit may bulong - bulungan siyang narinig, dahil sa apelyido niyang dala - dala ngayon. "By the way, I know her last name makes you all curious and also wondering about it. Well, she's a younger sister of Christian." Napatango - tango naman ang guro at ngumiti sa mga kaklase niya. "What!" May mahina siyang narinig na nagulat sa sinabi ng guro. "Miss, Navares, doon ka umupo." sabi ng Guro. Agad siyang tumalima at naglakad ,mabuti na lamang at malapit siya sa bintana. She has an older brother here in this school. Kilalang - kilala nga nila ang lalaking iyon, oo nga pala running for president na naman iyon. Napabuntong na lamang siya, tiningnan niya ang tanawin, masaya siya kapag nakakita ng magandang tanawin, pero hindi niya makubli na malungkot siya dahil hindi niya makakasama ang mga kaklase niya sa public school, napabuntong - hininga na lamang siya. Hindi siya masaya sa kanyang unang araw sa pasukan, dahil dito siya napunta sa pribadong paaralan, gusto niyang magwala, pero hindi niya ginawa iyon bilang respeto niya sa kanyang amang pumanaw isang taon na ang nakalipas. Ang galing! Dad ang unfair mo naman ayoko talaga sa lugar na ito. Reklamo sa kanyang isipan, hindi pa rin niya matanggap na nandito na nga siya nag - aaral kasama ang kapatid niyang lalaki. Nagkaroon sila ng orientation sa klase, nakinig naman siya dahil bagong salta siya. May nomination ding nangyari sa unang araw, isang lalaki na naging presidente. Wow? Automatic! Napasabi sa kanyang isipan. Napataas naman ang kanyang kilay, at napakunot ang noo niya. Nakita ko ba siya dati? Napatanong na lamang sa kanyang isipan na na – kyuryos din sa isang lalaking magiging president sa classroom and also sa Grade Nine Junior High School. Mark Cielo Villanueva. Napasabi sa kanyang isipan. Villanueva? Narinig ko na ang apelyidong iyan. Kaano - ano sila sa kaibigan ni Mommy at Daddy? Nag - isip naman siya noon. Sumuko ang utak niya, kaya tinigilan niya rin ang pag - iisip. Recess time, lahat ng mga kaklase niya ay mga kasabay na pumunta sa canteen, gusto niyang mag - recess pero, hindi naman niya alam kung saan siya pupunta, kaya naman nanatili siyang naka- upo sa kanyang upuan na nagmumukmok, pinapakinggan ang tiyan niyang nagugutom. Kinuha niya ang phone niya, nakita niyang may one message siyang natanggap sa phone, napangiti siya na baka kaibigan niya iyon. Nang binuksan niya ang mensahe agad siyang nadismaya dahil isa lang itong text message alert. Napabuntong - hininga na lamang siya at binalik ang phone niya sa kanyang bag. Tiningna niya ang kanyang replika sa bintanang salamin. "So you came from in public school?" May lalaking boses siyang narinig, kaya naman napabaling na lamang siya. Tumango na lamang siya noon. "By the way, I'm Raymond, nice to meet you, Miss Navares," agad inilahad ng nagngangalang Raymond and palad nito. "Nice to meet you too." Sabi niya na inilahad din ang palad niya. "Raymond!" May tumawag sa pangalan niya, kaya naman napabaling din si Julie kung sino ang tumawag sa nakipagkilala sa kanya. Si Cielo pala ang tumatawag sa kanya, nakatingin siya kay Cielo. Pamilyar talaga siya sa akin? Saan ko ba siya nakita? Kumunot ang noo niya na nag -iisip. Hindi niya namalayang nakatingin din ito sa kanya na medyo may pagka - asar. Iniisip niya iyon. "Ah!" Sabi ni Julie na tinuro si Cielo. Sa camping! Sa camping nilang kuya ko siya nakilala! Sabi sa isipan niya. Nandoon rin ba siya sa burol ni Dad? Hindi ko siya nakita noon, sa camping ko lang talaga siya nakita noon. Napasabi pa niya sa kanyang isipan. Nagulat naman si Cielo sa inaasta niya. "Ikaw!" Sabay lapit sa lalaking kaharap niya na sinimangutan pa niya ito. Parang hindi siya natatandaan ng lalaking kaharap niya, hindi niya nakakalimutan kung gaano ito kasungit sa kanya noon sa camping. "Ikaw iyong masungit na daig pang may regla na babae." Napakunot ang noo nito. "What?" Maang nitong tanong. Nakita niyang pinipigilan ni Raymond ang pagtawa, dahil sa sinabi niya. Hindi ito sumagot sa kanya na tiningnan siya noon. "Saka nga pala, saan ba rito ang canteen?" Tanong niya. Hindi na niya matiis ang gutom niya, kumakalam na ang sikmura niya noon. Bigla siyang binigyan ng map sa buong paaralan. "Hindi ako marunong magbasa ng map, instruction lang please," napakamot na lamang siya. Napatawa si Raymond sa kanya. "Hey Navares, nasa baba lang ang canteen, dalawang canteen ang makikita mo, first canteen ay for Elementary and Primary, the second one for Junior High School." Sabi naman nito sa kanya. “Iba rin ang canteen ng Senior High School, but, magkatabi lang ang canteen ng Elementary, Primary and Junior High School, makikita mo kaagad ito.” Sabi naman ng nagngangalang Raymond. "Salamat!" Agad siyang nanaog at dali- dali ang kilos niya. Napapapikit siya sa presyo na napapakamot na lang. Bumili siya ng isang sandwich at milk bar noon na nakita niya. Naghanap siya ng mauupuan, puno ang mga upuan doon, may nakita siyang isang babaeng nakaupo ng mag - isa. "Pwede ba akong makisalo sa upuan mo?" Tanong naman niya. Nabigla naman iyong babae pero umisod naman ito, at pinaupo siya. Nakita niyang nakikipagtawanan ang kuya niya sa mga kaklase nito. Napabuntong - hininga na lamang siya, baka sa isang taong pasukan wala siyang makakasama at makikilala. Tiningnan niya ang kanyang katabi. "Ano pala pangalan mo?" Tanong niya. "Oh? Ke--- Kelly." Sagot naman nito nasa malalim na pag - iisip yata ang kasama niya. Napatango naman siya. "Julie Marie, pala." Inilahad niya ang kanyang kamay. "Nice to meet you." Sabi pa nito. Tumango na lamang siya noon at ngumiti na lamang. Natapos ang araw niyang puno ng pangamba, pero may nakilala naman siyang mag - aaral doon, okay na iyon sa kanya. Umuna na siyang umuwi sa bahay, hindi na siya sumabay sa kuya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD