"It’s really hilarious!" tanging napasabi na lamang ni Cielo ngayon na napailing—iling pa. Kausap niya ang mga ito sa video call dahil nga nag-iingat rin sila noon. "Loko-loko kasi itong pinsan ko." Tanging nasabi na lamang ng kasintahan niya noon at napairap pa ito. Napatawa na lamang siya sa reaksyon nito. "Julie, huwag ka ngang malikot!" Rinig pang sabi ni Kelly na nasa kwarto ni Julie ngayon, hinila pa nito ang mahabang buhok nito. "Aray ko, ate." Reklamo na lamang nito. "So, anong plano mo, Cielo?" Tanong naman ni Joel sa kanya. Nag-isip naman siya. "Well, it’s a good idea, sakyan na lang natin, hanggang malaman nila ang katotohanan." Tanging sabi naman niya. "Ha? Papayag ka noon?" Tanong pa ni Julie sa kanya. "Well, what should we do, its spread already, iyong mga nakakilala

