"Nagsimula siyang magkasakit na bumabalik-balik ang lagnat niya nang mag-umpisa ring magbakasyon, end of school year." Tanging alaala na lamang ni Kenneth noon. "Yeah, pero ayaw niyang mag-stay sa hospital noon, kaya’y pinagbibigyan namin siyang makakasama sa event." Napatango naman si Jason noon. Inaalala pa ni Kenneth na napapagalitan pa ito ni Cielo dahil minsan din itong dinadalaw. "Napakatigas ng ulo nito," tanging buntong-hininga na lamang ang narinig niya kay Cielo. "K – Kailan lang ninyo nalaman na may leukemia na pala si Crisha?" Tanging rinig na lamang niyang tanong ni Julie. "Napapansin na naming lumalaki ang pantal-pantal niya sa katawan, isa pa’y nagdudugo ang ilong nito." Tanging nasabi naman ni Jenny na nalungkot pa. Naalala pa ni Kenneth na isinugod na ito sa hospital

