Napakamot na lamang si Julie sa paggising niya ay nandito na ang pinsan niya. "Kailan ka lang dumating?" Tanong pa nito habang maganang kumakain sa kanilang hapag. "Kagabi nga, habang nakatulog ka sa bisig ng boyfriend mo." Napangisi pa ito; alam niyang nang-aasar pa ito sa kanya. "Magkakilala kayo ni Kenneth?" Tanong pa niya rito na nakahalumbabang tiningnan ang pinsan niya. "Yeah, I met him when I was in grade three at that time in Australia; hindi ko naman inaasahan na pinsan rin pala niya ang Villanueva na nakwento mo sa akin." Tanging sabi pa nito. "Alam mo ba’ng kinukulit ako niyan noon, about Pop Princess? Why you didn’t told me?" Tanong pa niya na naasar sa pinsan niya. "Why? Nagtanong ka ba, ha? Isa pa, nakabusangot ka palagi." "Eh, kasalanan mo naman po kasi iyon." Inirap

