"Miss Palma." Tawag ni Cielo noon, dahil pinapunta na ito sa office. Nabigla pa ito kung bakit tinawag ang pangalan nito. Ngunit, wala lang itong imik na sumunod sa kanya ngayon. "B – Bakit pinatawag ako?" Tanging tanong na lamang nito sa kanya, siguro’y pinilit lang itong magsalita. "Don’t worry about it; it’s just a formal thing to do, lalong—lalo na sa kumakalat rito sa paaralan." Sagot naman niya sa katanungan nito. "You also have a right to defend your side." Napasabi pa niya rito. Kailangan niyang ipaliwanag ang sistema, dahil transferee ito, at isa pa’y wala pa itong masyadong kaibigan, ngunit naging kaibigan naman nito si Jason, at curious naman ang pinsan niyang si Kenneth. "Papakinggan ba nila ang side ko?" Tanong naman ito sa kanya. "H – Hindi ba ako mawawala sa pagiging s

