“Hoy, Julie, anong nangyari sa’yo at ganyan ang pagmumukha mo?” tanging tanong naman ng kanyang ina noon sa kanya. Napansin siguro ang pagmumukha niyang nakabusangot at nakatagpo pa ang kanyang kilay dahil sa mga naririnig niyang chismis na wala namang katotohanan. “Nakakainis lang kasi, My.” Tanging nasabi na lamang niya. Nandito sila sa sala ngayon, hindi niya lang kasi mawala sa kanyang isipan ang ganoon na pinapalaki ang isyu na walang katotohanan. “Anong kinaiinisan mo nga?” Tanong pa ng kanyang inang napakamot na lamang sa kanya. Narinig niya ang pagbuntong – hininga ng kanyang kapatid na si Chris ngayon na nakikinig lang sa kanilang pag – uusap. “Napagkamalan po iyang may namamagitan sa kaklase niya.” “Oh?” patango – tango pa ito at makahulugan siyang tiningnan ng kanyang i

