Mohiyan Academy
Makalipas ng labingdalawang araw, nakarating na din si Misty sa lungsod ng Canberra kung saan matatagpuan ang napakalawak na akademiya ng kaharian.
Tamang tama naman ang kanyang pagdating dahil dalawang araw mula ngayon ay pormal ng magbubukas ang akademiya at mag uumpisa na ang pagsusulit para sa mga gustong makapasok sa akademiya.
Dahil sa kakarampot na pilak lang nag meron si Misty, nagpasiya siyang sa isang maghanap muna ng mumurahing pede niyang tuluyan ng isang araw habang hinihintay ang pagsusulit. Hindi nag aksaya ng panahon ang dalaga at naghanap siya ng puwede niyang matuluyan.
Sa kanyang paghahanap, hindi maiwasan ni Misty ang mamangha sa mga nakikita niya na wala sa bayan ng Anatolia.
"Sadya ngang mayaman ang lungsod na ito, napakayaman nga talaga ng royal clan." ika niya sa kanyang isip lamang.
Nakikita niya ang mga nag gagandahang mga kasuotang binebenta sa mga pamilihang kanyang nadadaanan pero hanggang tingin lang siya, binubusog na lang niya ang kanyang mga mata sa mga kayamang kanyang nakikita.
Nakarating siya sa hindi mataong lugar, kung saan may napag alaman siyang murang matutuluyan. Pumasok siya sa isang gusali na may murang pahingahan ng mga dayo sa bayan na iyon.
"Maari po bang kumuha ng isang kuwarto para sa dalawang gabi na pamamahinga?" magalang na tanong ni Misty sa isang matanda na nagbabantay sa pahingaang iyon.
"Ay, ke ganda mo namang bata ineng, sige meron pa kaming mga bakanteng kuwarto na puwede mong iokupa, isa ka ba sa mga kukuha ng pagsusulit sa isang araw?" tanong naman ng matanda
"ah, opo, sana po ay isa din ako sa mga palaring makapasok sa akademiya" tugon niya
"sana nga ineng, madami kayong manlalakbay na nandito ngayon sa aking bahay pahingaan, sana palarin kayong lahat na makapasok sa akademiya" masayang tugon ng matandang may ari ng pahingahan.
Nagbayad na si Msity ng kaukulang bayad para sa isang araw na pamamahinga. Nagkakahalaga ito ng isang pilak. kasama na dito ang kanyang pagkain.
"Sige ineng, umakyat ka nalang sa ikalawang palapag, sa pinaka dulong pintuan sa kaliwa, yun ang magiging silid pahingaan mo, mag gagabi na din, makalipas ng isang oras, puwede ka nang bumaba at handa na ang kakainin nyo." pagpapaliwanag ng ginang
Umakyat na si Misty sa ikalawang palapag para maglinis ng katawan at magpahinga ng konti, hindi biro ang knayang labing dalawang araw na paglalakbay para makarating sa bayan na ito.
Natuwa naman siya sa kanyang silid, kahit mura lang ito, presentable naman ang kanyang higaan at may sariling banyo. Nagpasiya siyang maligo muna para naman mapreskuhan siya at pagkatapos, pahinga muna siya bago bababa para sa pagkain.
Naging maganda naman ang pamamahinga ni Misty ng dalawang gabi sa paupahang iyon.
Ika apat palang ng umaga, gising na si Misty para maghanda sa araw na ito, ito na ang raw na kanyang pinaka hihintay, ang araw ng pagsusulit, dito na niya malalaman kung makaka pasok nga siya sa akadmeiya.
Ika anim ng umaga, nakanada na si Misty at paalis na siya sa bahay pahingaan, ang tungo niya ay ang akademiya na matatagpuan sa bayang ito.
"Kumain ka muna ineng, naka handa na ang agahan niyo, inagahan ko talaga ngayon, kasi alam ko na maaga kayong aalis para sa inyong pagsusulit." wika ng matanda ng maka baba siya sa unang palapag
Pagkatapos kumain, nagpa alam na siya sa may ari ng pahingaan. Nakiusap siya na iwan muna niya ang kanyang mga dalahin, babalikan nalang niya pagkatapos ng pagsusulit. Pumayag naman ang mabait na may ari ng pahingaan.
Masayang masaya si Misty habang mabilis na naglalakad patungo sa akademiya. Pagdating niya sa malaking tarangkahan ng akademiya, marami na ang nakapila at hinihintay nalang ang hudyat para silang lahat ay makapasok.
Kitang kita sa mga mukha ng ng mga tao dun ang kagalakan at ang iba naman ay pag aalala. makikita dun ang ibat ibang uri ng tao, mga gaya niyang ordinaryo lamang at ang iba naman ay may magagarang damit, mga anak ng mayayamang kabilang sa maharlikang angkan. May mangilan ngilan din na mga kagaya niyang mula sa mga ordinaryong angkan.
Eksaktong ika walo ng umaga, nagbukas na ang malaking tarangkahan ng akademiya, naunang pinapasok ang nagmula sa mga mayayamang miyembro ng maharlikang angkan at nahuli ang mga ordinaryong angkan.
Sa isang malawak na lugar sila pinapunta, nasa unahan ang mga maharlikang angkan at nasa likod naman ang mga kasapi sa ordinaryong angkan.
"talaga ngang hindi pantay ang mundo, pero darating ang araw, mas magiging malakas ako at ang anking angkan kaysa sa inyo" sa loob loob ni Misty.
May kanya kanyang usapan ang mga nasa malawak na solar ng akademiya, may mga nagpapayabangan, may mga nagtatawanan, meron ding walang paki alam sa nangyayari, meron ding tahimik lang habang naghihintay kung ano ang susunod na mangyayari.
Nang bigalang may lumitaw na tao sa harapang lahat. Lahat ay namangha dahil ito ay may kakayahang lumipad. Naka angat sa ere ang isang hindi namang katandaang lalake.
"Magandang umaga sa lahat ng nandito, Ikinagagalak ko na kayo ay naka apak na sa ranggong master at handa nang magpalaks sa akademiyang ito" pagbati ng mahiwagang tao na nasa kanilang harap.
"Ako nga pala si Academy head master Romolus, at malugod ko kayong binabati sa pagdalo sa pagbubukas ng araw ng pagsusulit para sa mga natatanging makakapasok sa ating akademiya."
Lahat ng nandoon ay nakatutok sa nasa harap at hinihintay ang kanyang mga iba pang sasabihin, dinig ni Misty ang bulong bulongan ng mga ibang naroroon na ang nasa kanilang harap ay isang epic rank. Dahil sa kanyang narinig, humanga siya sa angking lakas ng head master ng akademiya.
" Sa taong ito, mahahati sa dalawang uri ng pagsubok, una ay madali lang, susukatin ang inyong lakas, at sa pangalawa naman, susukatin ang inyong talino at pag uugali. Madali lang ang una, ipapamalas niyo lang ang angkin nyong lakas at kung kayo ay makapasa, kuwalipikado na kayo sa ikalawang pagsusulit, ang kaalaman at pag uugali, madami ang hindi nakakapasa sa ikalawang yugto ng pag susulit. kaya galingan nyo"
Kinabahan si Misty sa kanyang narinig, kung sa pagsubok lang sa lakas. siguradong makakapasa siya, pero sa kaalam, hindi niya mawari kung ano ang mga kaalaman na nasa pag susulit.
"Hindi ko na papatagalin ang inyong pag hihintay, ipinakikila ko ang mga faction master sa akademiyang ito, si Faction head Alicia mula sa Mage Faction, Si Faction head Arguse mula sa warriors Faction, Si faction head Ione mula sa weapons faction at si Faction head Rafaela sa alchemy Faction. Sila ang mamamahala sa inyong pagsusulit at pag subok sa inyong lakas. Umaasa akong makakapasa kayong lahat" pagtatapos ng head master ng akademiyang ito.
Pagkatapos ng mga pagpapaliwanag, pina pila na ang mga susubok sa pag susulit. May nakahandang entablado at sa baba ay naka masid ang apat na faction head. Sa pagpapakita ng lakas, kelangan mong makakuha ng tatlong pag sang ayon mula sa apat na faction head. kung sakali namang makakuha ng dalawang pag sang ayon, ang head master ang magpapasya kung pasok o hindi ang isang nag susulit.
Kinakabahan pero puno ng determinasyon ang dalagang si Misty sa kanyang unang yugto ng pagsusulit habang nag hihintay siya sa kanyang pila, pinapanood din niya ang mga mga nagsusulit sa harap. madami na ang nakapasa pero mas madami ang hindi pumasa. bagsak ang balikat ang mga di naka kuha ng tatlo o mahigit na pagsangayon.
Karamihan sa mga hindi nakapasa ay mula sa mga ordinaryong angkan. Hindi sila nakapagpakita ng ka tangi tangi o nakaka ayang katangian sa mga faction head.
Matapos ang mahigit tatlong oras ng paghihintay, si Misty ang kasunod na magpapakitang gilas sa harap. Mas lalo pa siyang kinakabahan. Tinawag na ang kanyang pangalan.
"Misty Draco mula sa puting tupa!" tawag ng isa sa mga faction head.
Halos manlamig ang kanyang buong katawan habang naglalakad paakyat sa harap ng mga faction head.. Nang nakatayo na siya sa harapan, naramdaman niya na sinusukat ng apat na faction head ang kanyang antas na lakas.
"Isa ka na ngang master rank, pero ano naman ang maipapakita mong lakas at katangi tangi sa amin binibini?" tanong sa kanyan ng nag ngangalang faction head Alicia.
"ipapakita ko po ang mga skill mula sa aming angkan na puting tupa mga kagalang galang na faction head" magalang niyang sagot
"Sige, maari ka nang magsimula" utos naman ni faction head Ione
Nag umpisa nang magpakitang gilas si Misty, Ipinakita niya ang kakaibang lakas meron ang mga kabilang sa angkang putting tupa at ang kanilang kakaibang mga skill o galaw sa pakikipag laban.
"punch of kamagong tree" sigaw niya, isa itong malakas na uri ng suntok na kasing tigas ng kamagong tree na pangunahin nilang producto.
Pagtapos ng kanyang pagpapakiitang gilas, nagtanong si faction head Rafaela.
"Kaya mo bang gumawa ng maalamat na calming essence of the white sheep?" tanong ng magandang faction head ng alchemy faction
"Ipagpa umanhin niyo po, pero ang aming maalamat na ninuno lang po ang may alam sa proseso noon, sa aking pag aaral, ang mga tamang sangkap pa lamang ang aking natutklasan" magalang na sagot ni Misty
Nagulat naman ang faction head ng mga healers. "kung totoo man iyan, ay sumasang ayon ako na makapasok ka sa akademiya, matagal ko nang gustong makagawa ng ganung potion. Malaki ang maitutulong mo sa aming faction." natutuwang pahayag ng faction head.
"Sa akin ay pag sang ayon din, maganda ang pundasyon ng iyong lakas at mga galaw, kaya lang masyado pa itong mahina, pero pasado ka sa akin, puwede pa nating linangin ang iyong pakikipag laban." ito naman ang sabi ng faction head ng mga warriors na si Arguse
"ipagpaumanhin mo, pero hindi pasado para sa akin!" prangkang sabi ni Alicia
"Hindi rin sa akin" sabi ni Faction head Ione.
Isang malakas na tawa mula kay faction head Arguse ang bumasag sa katahimikan.
"papano ba yan mga kasama, dalawang oo at dalawang hindi, nasa kamay na ni Academy Head Romulus ang kapalaran mo binibini."
"Bago mag ika walo bukas ihahayag din dito ang mga pangalan ng kalahok pa din sa ikalawang yugto ng pagsusulit, kinakailangan mong bumalik para malaman mo kung kuwalipikado ka pa din." malungkot na pahayag ni faction head Rafaela, bakas ang lungkot na hindi niya magiging estidyante ang binibining ito.
Laglag ang balikat ni Misty na lumisan sa harap ng apat na faction head. pero masaya pa din siya kasi pinuri siya ng faction head ng warriors faction. Kung papipiliin siya ng faction na sasalihan pag naka abot na siya sa grandmaster rank ay ang warriors faction, gusto niyang mapalakas pa lalo ang kanyang pakikipaglaban, para maipagtanggol niya ang kanyang angkan mula sa mga nang aapi dito.
Sa apat na faction ito, pinaka malakas ang warriors faction, pinaka mamakapangyarihan ang mage faction, tanyag sa pagiging mapanganib ang mga weaponry faction at pinaka maimpluwensiya ang alchemy faction.
*******
Sa isang pribadong silid ng akademiya, nag uusap ang limang makapangyarinang mga nilalang, walang iba kundi sina head master Romulos, at faction head na sina Alicia, Rafaela, Arguse at Ione.
"Kung totoo ngang alam niya ang sangkap para sa maalamat na calming potion of the white sheep, sasang ayon ako sa pagpasok niya sa akademiya" wikang pahintulot ni Head Master Romolus
"Pero headmaster, di ko siya kinitaan ng lakas ng kahit na anong mahika" pagsalungat ni Alicia
"At mula siya sa napakahinang angkan ng mga puting tupa, sigurado ako, hindi pa nakahawak yun ng kahit na anong sandata, wala silang ganung yaman para magkaroon ng sandata" dagdag pa ni Ione
"Kung ayaw nyo sa kanya, sa akin siya pag naging grandmaster na siya!" masayang pahayag ni Rafaela "mabuti nga yun, wala na akong kaagaw sa kanya."
"Nagkakamali ka ata faction head Rafaela, gusto ko din siya sa aking faction, sa tingin ko, magiging magaling siyang mandirigma." sabi naman ni faction head Arguse
"kung makaka abot siya sa grandmaster, kung wala siyang mahika sa katawan o hindi niya matutunan ang pag gamit ng kahit anong tier ng sandata, e di hanggang master lang siya" Muling pagsalungat ni Alicia.
"Meron pa naman siyang tatlong taon para magsanay palakasin ang antas niya faction head Alicia at Ione" salungat ni Rafaela
"Bahala kayo, basta sigurado ako, hindi na yun aangat!" huling sambit ni Alicia.
"Magsitigil kayo, buo na ang aking pasya, bilang Head master ng akademiya, pinapayagan ko siyang makarating sa ikalawang yugto ng pagsusulit" Huli at puno ng pasyang huling sambit ng head master.
'Ginagalang po namin ang iyong pasya head master" sabay sabay na tugon ng apat na faction head.
ayan, nakapas na ang ating magandang bida sa unang yugto ng pagsusulit, ano naman kaya ang ikalawang yugto ng pagsusulit?
maka pasa pa kaya ang ating bida?