QUATRO

2148 Words
Pag kabalik namin sa bahay nila Andi dun namin nalaman na nauna nang umuwi si Ella. Tinanong nila Jerry si Chris kung anong nangyari pero hindi nya sinagot kahit isa sa mga tanong nila. Pagkatapos ng dalawang bote na pagpasyahan na nilang umuwi na kahit medyo maaga pa. Sabay kami nila Henny at Chris. Hinatid muna nila ako samin bago sila dumeretso sa kanila. Bago kami makarating sa bahay namn hinila ni Chris yung kamay ko at niyakap nya ako. "Salamat.." sabi nya bago nya ako hiniwalayan. Nakita kong nagulat si Henny sa nakita nya kaya naman hinampas nya si Chris at tinanong kung bakit sya nag papasalamat. Lasing na siguro to kaya nakikialam sya sa mga kinikilos ni Chris, pag kasi nasa tamang pag iisip to wala naman tong pakialam. "Wala nga! Ano ba naman to! Ang sakit na ha!" "Ano nga kasi yuuuuuun! Bat ka nag papasalamat?" "Pake mo ba! Bawal mag pasalamat?" Wala pa ata syang balak na sabihin kay Henny na pumayag na akong manligaw sakin. Nang nasa harap na akong bahay namin. Humarap na ako sakanila at nagpaalam. "Ingat kayo. Alalayan mo yang si Henny baka bumagsak na" pumasok na ako sa loob pag katapos nun at nag simula na silang mag lakad paalis na dalawa. Lumingon ako saglit nakita kong nag aaway na yung dalawa. Lagi naman yang mag kaaway kaya wala ng bago. Lahat ng nagdaang araw ay mas naging magaan para sakin. Sinusundo ako ni Chris sa paradahan ng tricycle samin pag wala syang trabaho o kaya pag may time sya tapos pupunta kami sa bahay nila para tumambay. Tapos kapag may hapon ako na pasok aalis ako ng bahay ng bandang lunch para pumunta sakanila para dun muna mag stay tapos ihahatid nalang nya ako sa sakayan papuntang school. Ilang beses na nyang sinabi sakin na gusto nya akong ihatid hanggang schoo pero laging ayaw yung sinasabi ko sakanya. Ayokong mag karoon ng issue sa school tungkol samin dalawa imbes na nanahimik lang kami. Tsaka na naman sa sasabihin sa iba pag handa na ako. Lahat ng acads ko maayos yung mga grades kaya wala ako masyadong pinoproblema. Kaso isang araw ng hapon ang pasok ko at hinatid ako ni Chris sa paradahan ng tricycle nakita ko yung isa kong kaklase. Si Trixie. Di kami masyadong close pero nakakausap ko sya paminsan minsan sa school. Nakita kong napatingin sya samin ni Chris kaya medyo lumayo ako ng konti kay Chris at ngumiti sakanya. Kilala nya si Chris at sinenyas na parang tinatanong kung mag kasama ba kami. Tumango nalang ako kanya ng konti at nakita kong lumapit sya samin. Shit. Bat ka pa lumalapit? Anong kailangan mo? "Hi Chris! Long time no see ah!" bati nya kay Chris kaya naman napalingon sa kanya si Chris na nagtataka. Hindi nya ata naalala si Trixie kaya naman sinabi ko yung pangalan ni Trixie. "Gosh! You didn't remember me? Grabe ka!" tumawa pa ng mahinhin pag ka tapos nun. O-kaaaay? Anong nangyayare? "Nakalimutan ko lang talaga sorry" napakamot sa ulo nya si Chris at ngumiti ng tipid. Nakita kong may tricycle na kaya naman nag paalam na ako kay Chris. "Una na ako." "Ingat ka" tumango lang ako at pumasok na ako sa loob ng tricyle at nag paiwan si Trixie sa harapan ni Chris. Nag uusap pa silang dalawa ni Chris at nakita kong hinahawakan pa ni Trixie yung braso ni Chris. Hindi man lang umiwas tong isang to at parang gustong gusto nya pa! Todo ngiti pa! Aba naman! Tinignan ko sya ng masama at siguro naramdaman nyang malapit na syang mamatay kaya naman napatingin siya sakin at nagulat sya sa mukha ko. Napaiwas agad sya kay Trixie nun sa takot sakin at nag paalam na para umalis. Nang makaalis si Chris pumasok na din si Trixie sa trycicle na sinasakyan ko. Hays. Magkakasabay pa nga kami pumasok. "Gosh! Ang gwapo parin nya! Grabe anong pakiramdam na magkaibigan kayo?" WFT!? "Matagal ko na talaga yang gusto si Chris simula nung 1st year kaso diba naging sila ni Ella. Nawalan ako ng pag asa. Pero ngayong wala na sila nabubuhayan na naman ako ng loob. Feeling ko may pag asa na ako sakanya! What do you think?" ngumiti sya sakin na parang nag aabang na irereto ko sya kay Chris. Muka nya! Akin lang si Chris! "Busy sya" Di ko alam kung bakit yun yung nasabi ko sakanya. Pero may punto rin naman ako. If ever na pag pipilitan nya sarili nya kay Chris. Di sya mapapansin ni Chris kasi busy nga sya sa trabaho at sakin! Period "Okay lang. Marami naman akon time hihi" Hindi ko alam kung kelan pa ako nag karoon nag pagnanasa pumatay ng kapwa babae. Ngayon lang ata at itong katabi ko uunahin ko. Pagdating namin sa school nakasalubong namin yung kaibigan nya na si Andrea. Di na nya ako sinabayan kasi sinalubong nya na si Andrea na papalabas ata ng school. Nadaanan ko sila kaya naman narinig ko yung ano yung pinag uusapan nila. "s**t matutuloy na ata yung pag punta ko sa bahay nila this time!" sabi ni Trixie kay Andrea. "Gaga! Aga mo naman mag assume. Landiin mo muna ulit bago ka mag isip ng ganyan" What?! Tangina!! Nilandi nya noon si Chris? Aba syempre wala na silang ibang pag uusapan kundi si Chris lang kasi si Chris lang naman yung bukambibig ni Trixie kanina. Impakta tong babae na to Chris ko pa nais! Pumasok ako ng room ng natihimik at iniisip yung sinabi ni Trixie kanina. So matagal na talaga sila magkakilala at nag landian pa sila? Grabe ka Chris! Napaka landi mo! "Nyare teh?" tanong ni Manuela na katabi ko. 'Wala badtrip lang" Nagkibit balikat lang sya di na ako kinausap. Alam naman kasi nyang di ko sasabihin kung bakit kaya pinili nalang nyang di ako usisain. Kinuha ko yung phone ko at nag sent ng text kay Chris. To: Chrisy Landi mo sobra. Wag mo ko tatawagan mamaya. Pinatay ko na yung phone ko kasi ayokong makita yung reply nya. Ayoko muna kasing makarinig ng kahit ano sakanya kasi kapag nagpaliwanag sya ngayon di ko alam kung ano sasabihin ko. Inis pa ako distansya muna sya. Oo matagal na yun pero di ko kasi matanggap na kausap na nya ako nung time na kinakausap nya yung Trixie na yun. Ano yung kung kanino sya unang mahulog dun na sya? Bobo ba sya? Pano kung kay Trixie sya nahulog edi kawawa ako? Nakakainis. Pag katapos ng klase lumapit sakin si Jam. "Naka off phone mo?" tanong nya sakin. Tumango lang ako at niligpit na muna yung notebook na nilabas ko bago ko sya nilingon. "Bakit?" "Gagu tadtad na ako kay Chris teh! Buksan mo na yung phone mo" hininaan nya yung boses nya kasi baka may makarinig. Umirap lang ako bago ako tumayo at tinawag si Henny para mag sabay kami. "May lakad?" tanong agad nya nung nakita nyang katabi ko si Jam. "Tanga gala ka gabi na. Aga pa bukas" sabi sakanya ni Jam. "Tanga ka din." Humarap sakin si Jam nung nagsimula na kaming maglakad palabas ng room. "Anong problema?" tanong nya sakin. "May problema?" tanong naman ni Henny. Inirapan lang siya ni Jam at hindi pinansin kaya naman bumaling sakin si Henny. "Kwento ko maya." Mamaya ko nalang ikukwento kasi nasa paligid pa namin yung iba namin kaibigan. "Babye!" Kumaway samin sila Manuela kasi iba yung way ng uwi nila. Si Jam iba din naman yung way pero sumabay sya samin hanggang paradahan. "Bakit ano nangyare?" tanong ni Henny. "Ang landi ni Chris teh" panimula ko. "Huh? Ngayon mo lang nalaman?" tanong nya ulit. "Tagal na namin alam! Pero syempre ngayon ikaw nalang nilalandi nun" sabi naman ni Jam. "Inang yan! Si Trixie nakalandian nya pala yun?" tanong ko sa kanilang dalawa. "Aba malay ko dun! Madaming kachat na babae yun dati diba?" tanong ni Jam kay Henny. "Wala akong alam jan gagi. Tsaka tapos na yun anong problema? Nasayo na Chris ah" "Walang problema pero alam nyo yun? Yung tipong pakiramdam na parang nag cheat sya pero slight lang? Ewan ko ha pero kasi pakiramdam niloko nya ako dati. Kachat na pala nya dati si Trixie tas tumigil sya sa pakikipag usap dun kasi nag kagusto na sya sakin. Pano pala kung kay Trixie sya nagkagusto? Pano ako? Kainis!" Tinapik naman ni Jam yung balikat ko at nag paalam na umalis. "Bat uuwi kana? Ang laki ng problema ko dito!" "Ako nalang mag memessage kay Chris na pauwi na kayo bukas mo nalang kausapin. Sige una na ako" Tumalikod na samin si Jam at naglakad na paalis. "Wag mo na problemahin yun tapos na yun teh. Tsaka patay na patay na sayo si Chris wag mo na pag dudahan kasi baka ganon yung isipin nya" sabi naman ni Henny. "Nakakainis naman. Si Trixie nga kanina kasi! Lalandiin nya daw ulit si Chris! Pano pag bumigay yun? Tapos sabi pa ni Trixie naudlot lang daw talaga yung pag punta nya sa bahay nila Chris. Anong gagawin nila dun ha!" "Tama nga si Jam. Bukas mo na sya kausapin. Tara uwi" Umuwi na kaming dalawa, at hindi ko parin binubuksan yung phone ko. "Pano pag sinabi sakin ni Chris na si Trixie na gusto nya?" tanong ko kay Henny nung mag hihiwalay na kami ng sasakyan ng tricyle. "Seryoso ka jan? Gago ganyan ka pala magselos" tumawa sya ng malakas pag tapos nun. Hinampas ko sya ng mahina sa balikat. "Potah naman seryoso kasi ako!" "Bobo potah! Pano mo naiisipin yan eh patay na patay nga sayo yung pinsan ko!" Wala na akong nasabi pang iba pag tapos nun kasi na hiwalay na talaga kami ng tuluyan nun. Di parin kasi talaga mawala sa isip ko yung mga posibilidad na mangyare. Nakakagago potah! Di naman ako ganito ka praning sa ex ko. Ano ba nangyayare sakin. Tae ganto na ba ako ka patay na patay sa kanya? jusko. Pag ka uwi ko umakyat muna ako sa kwarto at iniwan yung phone para mag charge at bumaba para kumain ng dinner. "Bakit ka nasa bahay nila Chris kanina?" tanong sakin ni mama na ikinagulat ko ng todo. Napalingon ako sa kanya na nagtataka at may kahalong kaba. "P-po?" Shit! Pano sya napadpad dun sa kanto nila Chris? "NakitA ko kayo kanina nung galing ako dun sa bahay nung ka-member ko sa progam. Nakita ko kayo na sabay lumabas" seryosong dagdag nya pa. Potah anong lusot sasabihin ko? "May boyfriend kana Ry?" tanong naman ni papa. "Po? Wala po tropa ko lang po yun si Chris." Shit.shit.shit. "Tumigil na sa pag aaral yun diba? Tsaka nag tatrabaho para sa kapatid nya? Kaya bakit ka andon sa bahay nila kung wala naman kayong ginagawang acitivity kung tumigil na sya?" gagu nakakatakot si mama. "May pinakuha lang po sakin si Kuya Paolo sa bahay nila kaya pumunta muna po ako sa kanila bago pumasok." Luuuh gagana ba yoooooon? "Bat hindi si Paolo ang mag punta para kumuha nung kung ano mang pinakuha? Talagang ikaw pa inutusan? Bat hindi yung pinsan nyang si Henny yung inutusan non?" TAMA NAAAA!!! Nakakatakot na si mama bat ang daming tanooooonng. Wala na ako maisasagot haup. "E-eh kasi po..." di ko na natuloy yung sasabihin ko ng sumingit na sya bigla. "Eto lang masasabi ko. Mag bo-boyfriend ka pag tapos kana sa kolehiyo. Hindi maganda pag may distraction sa pag aaral. Kung si Chris ang gusto mo. Kelangan bago sya humarap samin meron na syang ipagmamalaki at dapat kaya ka na nyang buhayin." Gagu. Ano to. "Ma tropa ko lang yun, may pinakuha lang talaga si Kuya Paolo." pag pipilit ko para paniwalaan nya. "Siguraduhin mo lang." Chris lintek di na ako pupunta sa bahay nyo!!! Umakyat na ako sa kwarto pag katapos ko ma hot seat. Nakakakaba naman si mama. Buti di sya natuloy sa pag aabogado baka may malalalang tanong pa itanong nya sakin edi nahuli ako. From: Chrisy Bat di ka nag tetext? From: Chrisy Ryji.. may nagawa ba ako? Sorry na:( From: Chrisy May klase ka pa ba? From: Chrisy Di naman ako malandi eh. Ikaw lang nilalandi ko. Bat naman ganyan. From: Chrisy Sagutin mo tawag ko plss.. From: Henny Teh jusko andito si Chris. Potah nanggugulo ano daw nangyari bat galit ka. Gusto kang puntahan jan sa bahay nyo. Sinabi kong bukas na lang kasi sobrang init ng ulo mo sa kanya hahahaha. Ang dami pang pumasok na text galing sakanya at mga missed calls. To: Chrisy Usap na lang tayo bukas. Napagod ako. Yung sinabi ko kanina wag mo na pansinin wala lang yon. Tinext ko nalang sya para matigil na yung kaluluwa nya at para di na sya mag alala. From: Chrisy Sigi pu:( Sorry sa kasalanan ko na di ko naman alam kung ano. Goodnight. Kahit wala ng reply na goodnight. Suri pu:((((( Sus. Paawa pa Kuya mo Chris.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD