"Kanila Andi daw pag katapos kay Sir Solo." sabi sakin ni Jam na katabi ko ngayon sa subject ni Sir.
"Gagawin?" dalawa lang yan. Iinom sila o kaya manonood.
"Iinom daw. Nag away na naman si Ella pati jowa nya eh. Tas nood narin tayo dun habang umiinom sila" ah dalawa yung gagawin, lagi naman ganito.
"Na naman? Baka mag kasakit na kayo sa atay nyan kakainom. Kada away nalang nila Ella umiinom kayo."
"Correction. Tayo. Lahat tayo umiinom wag kang mag malinis. Tsaka damayan nalang naten baka mamatay na eh"
Kaya naman nandito kami ngayon sa bahay nila Andi. Eto kasi yung pinaka malapit sa school namin kaya deretso talaga sa kanila minsan kada uwian. Baka nga nababanas na samin ate neto dahil lagi kaming nandito di lang sinasabi.
Di na ako uminom nanood nalang ako kasama si Jam habang sila Ella ayun nag iinuman at nag sisimula na syang malasing.
Sino ba namang hindi? Madaya yung tanggera nila. Si Henny, wala talaga dapat nag titiwala jan eh. Basta ang galing niya mag paikot ng baso. Malalasing ka ng di mo na mamalayan kapag di mo binabantayan yung pag hawak nya sa baso.
Maya maya nag tatawanan na sila sa lamesa nila Andi.
"Oh lasing na yan lasing na yan" tumawa pa si Henny pag katapos non.
"Hindi ako lasing! Alam ko pag lasing na ako!" sabi naman ni Ella.
"Weh? Di mo nga alam na niloloko ka na" sagot ni Henny sakanya
"Alam ko kaya! Alam ko na jowa jowaan nya yung kaklase nyang tourism"
Tsk. Tsk malala na talaga to.
"Bobo mo naman teh. Niloloko kana pinipilit mo parin sarili mo sakanya" sabi naman ni Maxine sakanya
"Mahal ko yun! Ano ba naman kayo!"
Pinagtatanggol pa talaga nya yung manloloko na yun. Matagal na rin naman namin alam na may jowa jowaan si Ashton sa tourism. Tsaka sinabi na namin kay Ella pero wala eh ayaw nya hiwalayan, mahal na mahal daw nya. Kaya naloloko eh kasi nag papaloko.
"Di ka na nga ata mahal eh!" sabi naman sakanya ni Andi.
Kawawa naman to pinag tutulungan na nila.
"Bobo kasi nyang si Ella. May Chris Matthews na nga sya pinakawalan pa. Bobo talaga nakakainis" sabi ni Monique na nasa tabi ko na nood rin kanila Ella.
"Oo teh bobo talaga nyan." sabi pa ni Jam.
Lahat ng tropa ko nanghinayang nung nalaman nilang break na si Ella at Chris. Syempre kasi lahat kami nakasaksi kung pano sya mahalin nun si Chris. Lahat ng efforts nya pinapadaan nya samin bago makaabot kay Ella. Lahat suportado sila. Lahat gusto sila yun mag katuluyan. Kaya naman nahihirapan ako sa sitwasyon ko, hindi ko kayang sabihin sakanila yung about samin ni Chris kasi alam kong hindi nila ako maiintindihan. Konti lang makakaintindi sa sitwasyon namin at hindi kasama ang mga tropa ko dun. May tiwala ako sa kanila pero natatakot ako sa mga sasabihin nila sakin.
"Kung binabalikan na nya ngayon palang si Chris. Siguro magiging sila pa ulit" sabi ni Monique
Masakit. Oo sobrang sakit. Na ako na yung mahal ni Chris ngayon pero hindi nila alam yun dahil ayaw kong ipaalam. Kasi natatakot ako. Hindi kasi ako sanay husgahan ng ibang tao kaya sobra yung takot ko sa sitwasyon namin ni Chris.
Nagbobotohan na sila dun sa lamesa kung hihiwalayan na ba ni Ella yung jowa nya o hindi. Pero si Ella ayaw parin paawat sa pag sabi na mahal nya daw talaga. Iyak lang sya ng iyak at pinapatahan na sya nila Andi.
"Bobo mo kasi teh. Mahal na mahal ka ng pinsan ko pero sinayang mo. Landi mo" lahat kami nagulat sa seryosong boses ni Henny.
"Kung di ka nag loko para kay Ashton edi sana hindi ka umiiyak ngayon. Kaso ang landi mo. Umayaw ka pa sa pinsan ko. Di ka nakuntento sa pagmamahal nya? Gusto mo pa de kotseng pag mamahal? Sorry ha pero totoo naman. Yummy ka nga tanga mo naman mamili. Masaya ka sana ngayon kung hindi ka lumandi. Tsaka edi sana healthy pa din mga atay namin." nakaupo lang si Henny ng seryoso sa upuan nya habang hawak hawak parin nya yung pitsel ng alak at yung baso.
May galit kasi talaga sya sa ginawa ni Ella kay Chris. Kaya siguro ngayon na nagkaroon sya ng chance na sabihin lahat ng hinaing nya talagang di na sya nag paawat.
Humagulgol lalo si Ella sa sinabi ni Henny sa kanya. Nahihimasmasan na siguro sya kakaiyak nya.
"Oo na! Malandi na ako! Ako na may kasalanan! Bat mo pa pinapamukha? Nagsisisi na nga ako eh!" tumayo si Ella at akmang nalalapitan nya si Henny pero pinigilan sya nila Andi. Si Henny naman binaba na yung mga hawak nya at tinuon yung buong atensyon nya kay Ella.
"Asan pag sisisi jan? Yang pag iyak iyak mo? Di ako naaawa sayo. Deserve mo yang sakit na nararamdaman mo. Kulang pa nga eh. Kulang payan." madiing sabi ni Henny sa kanya.
Tumayo na ako at lumapit sa likuran ni Henny. Hinawakan ko yung balikat nya para sabihing tumigil na sya kasi baka san pa umabot yung usapan nila.
"Matagal na yun Henny bat di ka parin nakakamove on? Tapos na yun!" sigaw sakanya ni Ella.
"Pinsan ko yun. At wala ka ng mga panahon na halos lasunin na nya yung atay nya sa sobrang daming alak nainiinom. Wala akong paki kung matagal na yun kasi ako kitang kita ko kung pano nawasak yung pinsan ko dahil sayo! Mahal na mahal ka ng pinsan ko. Alam na alam ko yun. Kaya wag mo isumbat sakin na di porket matagal na pwede ng kalimutan. Kasi ako di ako nakakalimot ng mga masasamang ginawa."
"Tama na please, nag sisisi na ako" umupo ulit si Ella sa upuan nya habang hawak ko parin sa magkabilang balikat si Henny.
Nararamdaman ko yung panginginig nya kaya naman paulit ulit ko sinasabing tama na.
"Pwes, kung nag sisisi ka na nga. Wag ka nang chat ng chat sa pinsan ko. Wag mo na syang ime-message sa mga accounts nya"
Nagulat ako sa sinabi ni Henny maski sila Andi nagulat din. Lumakas lalo yung hikbi ni Ella dahil sa sinabi ni Henny sa kanya.
Sumisikip na yung dibdib ko sa mga narinig at nakikita ko. Hindi ko alam kung ano ang irereact at kung pano ako mag rereact sa sitwasyon na to.
"Wag mo na wag mo na rin sasabihin sa pinsan ko na balikan ka nya dahil lang sa narealize mong mahal mo na ulit sya. Wag kang tanga. Alam naman natin na di ka na kumakain ng pagkaing niluwa mo na" tumayo sya pag katapos non, kinuha nya yung bag niya kaya kinuha ko na rin yung akin at hinila na ako papalabas ng bahay nila Andi.
"Sorry.." narinig kong sabi ni Ella kay Henny pero nag tuloy tuloy lang kami sa pag labas.
Walang nagsasalita samin dalawa habang nasa biyahe kami. Parehas nasa isip naming dalawa yung nangyareng sagutan kanina.
Akala ko ba mahal nya si Ashton? Pinagtatanggol pa nga nya kanina samin eh. Mahal na mahal nga nya daw diba?
Bat ganon? Bat kailangan nya pang mag message kay Chris? May Ashton na sya ah? Kulang pa ba si Ashton at kailangan nya pa si Chris?
Hindi ko maproseso sa utak ko yung nangyare kanina. Basta ang nakikita ko lang mahal pa ni Ella si Chris at kapag sinabi nya kay Chris yun pwede silang magkabalikan. Pwedeng bumalik sakanya si Chris kasi alam ko kung gano nya kamahal si Ella kasi alam ko kung ano yung mga bagay kayang nyang gawin para kay Ella. Kasi alam kong kaya nya akong iwan isang sabi lang ni Ella na kailangan siya nito.
Nung makababa na kami sa tricycle lutang akong bumaba at pumunta sa isa pang tricycle.
"Ryji sorry..." narinig kong sabi ni Henny kaya napalingon ako sakanya.
Nasa likod ko sya nakabuntot sakin. Kahit na sa kabilang tricycle dapat sya sasakay, sumunod pa sya sakin dito.
"Ayos lang. Alam ko naman na mahal pa nya si Ella kaya ayos lang na iwan nya ako. Wala rin naman nakakaalam ng tungkol samin kaya paniguradong ipagpipilitan na nila si Ella at Chris bukas. Mag aabang nalang ako sa pagpunta sa bahay nila Andi" tumalikod na ako sa kanya nun at pupunta na sana sa isang tricycle na walang naman pero hinila ni Henny yung kamay ko kaya napabaling ulit ako sakanya.
"Ikaw lang yung gusto ko para sa pinsan ko kahit gago yun" pag katapos nun binitawan na nya ako at naglakad na pabalik para sumakay sa tamang tricycle.
Sa sinabi nya sakin parang sinasabi nyang mahal pa nga talaga ni Chris si Ella.
Ayos lang kaya ko naman inadahin yung sakit. Malayo naman to sa bituka.