CHAPTER 11 "Wala? Gano'n lang ang sagot. Wala! Elosoh!" "Ano daw? Anong Elosoh?" tanong ko sa nagmamagaling kaninang katabi ko. "Hindi ko alam e. Nakalimutan ko." sagot niya sa akin. "Anong Elosoh?" namumula kong tanong kay Faye. "Sabi ko, tayo! Tumayo ka!" Hindi ko alam kung anong authority meron ang boses niya at napapasunod ako sa utos niya sa akin. Tumayo ako. Hindi ko nga lang siya matignan pa rin ng diretso. "Fourth principle is LOYALTY. Naibigay na sa inyo ang booklet last week hindi ba? Binasa mo ba?" tanong niya sa akin. "Oo naman." Matapang na sagot ko. "Good. Kung gano’n, puwede mo bang sabihin sa amin ang ibig sabihin ng loyalty? Iyon ay kung talagang binasa mo ang booklet na ibinigay sa'yo." Napakamot ako. "Tsk! Nakalimutan ko na eh!" pagpapalusot ko. Kinamot ko ang

