CHAPTER 30 “Talaga lang ah! Sige tignan mo ‘to!” Mabilis niyang binuksan ang kanyang blouse. Nakita ko ang maputi at maumbok niyang dibdib. Hindi man lantaran at hindi ko man nakita lahat ngunit napalunok ako. Hindi ko napaghandaan ang ginawa niyang iyon. Wala sa hinagap ko na kaya niyang balikan ako ng mas matindi. “Tara na! Naghihintay na si Saira." Tawag niya sa akin na nakatawa nang makita niya ang expression ng aking mukha. Nilingon ko siya habang ibinabalik niya ang butones ng uniform niya. Nahimasmasan ako nang hinablot niya ang nakaipit na notebook niya sa kili-kili ko. Nakaalis na pala siya sa harap ko, hindi ko man lang naramdaman. Patango-tango lang akong naghugas ng kamay at walang imik nang nakalabas kami ng CR. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko at huminga ng malalim. Unti-

