ARYANNA’s POV: Nasundan ko ng tingin ang papalayong bulto ng mama ni James. Tahimik lang siya sa tabi ko. Binalingan ko siya. Malamlam ang mga matang nakamasid sa akin. Napatingin ako sa balikat niya. He has sling to support his injury. Dito siya tinamaan. “Arya, please talk to me?” his voice was pleading. Wala naman akong sinisisi sa nangyari kundi si Javier. Kasalanan niya itong lahat at ang sarili ko. “Asikasuhin mo na ang pagpapalibing sa anak natin.” Hindi siya sumagot. Tahimik lang siyang umiiyak. Parang mas lalong nadurog ang puso ko na makita si James ng ganito. Sinalubong ko ang mga mata niya I saw something in there. Hindi ko lang mabasa kung ano. Tumango siya. Lumapit siya sa akin, hinalikan niya ako sa noo. Mariin akong pumikit. Dahil iyon ang huling halik na mararamdam

