ARYANNA’s POV: Nang gabing iyon na umuwi ako, iyon na rin ang huling kita ko kay James. Sa buong linggo wala siya sa opisina. Hindi rin kami nag uusap. Nagtetext na lang din siya. He bought a phone for me pero hindi rin niya magawang iabot sa akin ng personal. Kundi iniwan niya lang sa table ko at nakalagay ang note. Use it! Magbibigay lang ng cellphone galit pa. Nagbigay pa talaga. Lahat ng communication through email or text. Hanggang sa sumapit ang araw ng Biyernes. Ni anino niya hindi nagpapakita sa akin. So umaasa o namimiss? Ipinilig ko ang aking ulo. Araw ng Sabado ngayon walang pasok. Nakiusap ako kay Mang Pedring na samahan akong bumili ng lapida para sa anak ko. Pero sabi niya hindi na kailangan. Hindi ko alam kung bakit. Dumaan kami sa flower shop para bumili ng puting bulak

