“Ania ti mariknam, Cher?” curious na tanong ni Sandra sa pinsan. “Come on, Sandy. Bukod kay Roselyn ay ikaw ang talagang nakakabasa ng nararamdaman ko ngayon. And obviously, hindi ako malungkot. Nervous, oo, pero excited.” Ultimo mata ni Cherilu ay nagniningning bagama’t natatabingan ng manipis na wedding veil. Araw ngayon ng kasal ni Cherilu. At dahil sa loob lamang ng tatlong linggo ay naiayos ang preparasyon para sa marangyang kasalang iyon, si Sandra ang tumayong maid of honor imbes na si Roselyn. Ang katwiran ng huli’y hindi pa bagay sa figure na bagong panganak ang anumang style ng gown na pinili ni Cherilu para dito. “Hindi ka ba natatakot?” Inayos pa ni Sandra ang nagalaw na headdress ni Cherilu nang sumakay sila sa bridal car. “Ania ka metten!” nakangiting singhal nito sa pins

