"Hoy Cess! Bakit parang hindi ka mapakali d'yan? Anong meron?" tanong ni Joseph kay Nessa. "Hindi ko alam Seph, kasi kanina pa ako kinakabahan. Ewan ko hahaha, 'yong puso ko parang may tumatambol at may excitement na nararamdaman. Hindi ko mawari. " At tinambol tambol pa ni Nessa ang kanyang dibdib. "Asus! Gutom lang 'yan. Halika kana at umuwi na tayo. Sigurado, masarap ang pananghalian natin ngayon," saad ni Joseph, na nag pupunas pa ng pawis. Ilang minuto rin ang nilakad nila ang sakahan patungo sa kanilang tahanan. Tahimik lang si Nessa dahil pakiramdam n'ya ay hindi tumitigil ang pag tambol nang kanyang puso. Sa dikalayuan ay natanaw na nila ang kanilang tahanan ngunit kapwa sila nagulat nang may napansin silang dalawang magarang kotseng nakaparada sa gilid nang bahay. "Sino

