Bata pa lang si Nessa Marie Casanare ng ma ulila siya sa magulang, tanging tiyahin na lang niya ang bumubuhay sa kanya sa probinsya at nag papa aral. Kaya nang makatapos siya sa kursong business management ay agad tumungo ng syudad upang mag trabaho maswerte naman s'ya at natanggap agad s'ya sa trabaho ng tita niya dahil nasa mataas na posisyon ito agad s'yang naerekomenda sa amo upang maging assistant s'ya sa head department. Sa katunayan ay may angking talino din s'ya kaya agad s'yang naaprubahan sa trabaho nila.
Isa lang ang pangarap ni Nessa ang maka angat sa buhay at makatulong sa kanyang tita na tumayong ina sa kanya. Lihim n'yang hinahangaan ang tinaguriang 3 angels na kinabibilangan nang amo n'yang si Austine Kient Mendoza, Steven Shy, at Markus Luis Sevilla. Nawala lang pag hanga niya sa amo n'ya ng malaman niyang may kasintahan na ito at tinuturing n'yang kaibigan si Lorraine ang kasama niya sa head department .
"Miss. Pwede ba? Can you leave for a while?” sambit ni Markus sa kanya.
Kasalukuyang kasi silang nasa canteen upang kumain ni Lorraine naikwento kasi nito sa kanya ang pag aaway nila ng kasintahan niya dahil nahuli n'ya itong may babaeng hinahalikan. Kasalukuyang n'yang kinu-comfort ang kaibigan nang biglang sumulpot sa harap nila ang dalawang lalaking mukhang angels. Ngayon lang niya nakita si Markus dahil tanging si Austine at Steven ang madalas nyang makita sa opisina nila.
"Si Markus ba 'to? Totoo si Markus nga, totoo ngang napaka gwapo nito sa personal,"
bulong ni Nessa sa isip n'ya habang nakatulala sa kaharap na binata kung hindi pa siya nito tinaasan ng boses ay hindi pa s'ya mababalik sa ulirat.
"Ay opo, opo sir,"
wika n'ya habang naka yukong umalis sa canteen.
Habang nasa kanyang table si Nessa sa kanyang office ay bahagya itong napapangiti dahil sa pang yayari dahil hindi siya makapaniwala na makikita niya sa personal ang pinaka hinahanggan niya sa 3 angels. Si Markus Sevilla, totoo nga ang sabi sabi may pagka suplado raw ito at hindi pala kaibigan lalo na sa babae pero ito rin daw ang pinaka babaero sa tatlo.
"Uy! Miss. Rain, bakit ngayon ka lang anong nangyari?"
tanong niya sa kaibigan na bagong dating.
"Ayon sinama ako nong dalawa para sunduin si Austine dahil umiinom sa bar ni Steven."
"Kaya pala mukhang nagmamadali silang pumasok sa canteen kanina upang kausapin ka?"
"Oo, ayon pinaliwanag din nila sa akin ano 'yong totoong pangyayari nong gabi sa bar oh, bakit parang ngiting-ngiti ka naman diyan Nessa?"
"Ha? Wala, Hmmmmp. Ang gwapo pala ni Markus sa personal 'no? Pero kaya lang totoong suplado pa la talaga s'ya ano?"
"Si Markus? Naku! hindi suplado 'yon mabait 'yon sadyang hindi lang siya palangiti at akala mo nabibili ang ngiti seryoso palagi sa buhay."
"Ahmm talaga? Huwag kayong magagalit Miss. Rain, ha? Alam n'yo bang hinahanggan ko ang 3 angels kabilang si sir. Austine, pero dati 'yon miss. Rain, ngayon pa rang si Markus na lang talaga,"
nakangiting wika niya.
"Ano ka ba ok lang yan,
trabaho na tayo."
******************
Kinabukasan maagap siyang pumasok sa opisina kahit puyat siya dahil kakaisip niya sa pangyayari ng makita niya ang binata at mukhang na love at the first sight siya agad dito.
Wala siyang ginawa kundi ang mag imagine nang kung ano ano sa binata. Pinangarap niyang makita muli ito, at makita ang mala anghel nitong mukha. Kahit na sa unang pag kikita nila ay tila nasupladahan siya nito.
Malayo pa lang ay tanaw na tanaw na niya si Lorraine at Austine na magkasamang pumasok ng opisina. Masaya siya dahil mukhang nag kaayos na ito basi na rin sa mga ngiti nito sa isat isa.
Abalang abala si Nessa sa mga gawain niya sa office nila dahil may kailangan itong i submmit silang reports para sa araw na iyon nang may biglang umupo sa upuan sa harap ng table niya halos mabingi siya sa lakas ng pintig ng puso niya dahil si Markus Sevilla, ang lalaking biglang pumasok sa office nila kasama nito si Steven na umupo naman sa harap ng mesa ni Lorraine.
"Hi, can i sit here?"
bati nito sa kanya na s'ya namang kinamula ng pisngi n'ya. Pakiramdam n'ya ay lumulubog s'ya sa kinauupuan niya, kaya tanging tango tango lang ang naisagot nito.
"Wala pa ba si Lorraine?"
muling tanong sa kanya ng binata sabay turo mesa ni Lorraine.
"Ahm... Ahmm. Nasa office ni boss my report na binigay,"
natatarantang sagot niya mabuti na lang at hindi siya nabulol dahil sa presensya ng binata sa harap n'ya.
"Ah ok, thanks,” wika nito sa kanya na lumabas pa ang isang dimple nito sa pisngi na siya namang lalong kinataranta n'ya pakiramdam n'ya nanaginip s'ya ng gising dahil sa ngumiti ito sa kanya at kinakausap s'ya, hindi tulad kahapon na sinupladahan s'ya nito. Ngayon naman ay parang napaka gentleman nito sa pa kikipag usap sa kanya at ngumingiti pa ito sa kanya.
Maya maya pa ay dumating na si Lorraine at agad namang nag usap ang tatlo.
Tahimik lang at pasulyap sulyap n'yang pinagmamasdan si Markus, lalo na pag nagsasalita ito at ngumingiti dahil lumalabas ang isang dimple nito sa pisngi maging ang ngipin nito tila perpekto pwedeng pwede maging commercial model ng toothpase dahil sa puti at pagkapantay pantay ng ngipin nito.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang dalawa pero bago tuluyang lumabas ay bahagya pa itong lumingon sa kanya at kumaway.
"Thank you again bye,"
wika ni Markus bago tuluyang lumabas ng opisina.
"Hoy! tulala ka naman," wika ni Lorraine sabay tapik sa kanya.
"Hmmmp. Wala ang gwapo talaga ni Markus 'no?"
Sabay bugtong hininga ni Nessa.
"Hoy Nessa! Paalala lang nasa trabaho tayo mamaya na 'yang pagpapantasya mo ha,"
singhal ni Miss. Cortes, sa kanya.
"Miss. Cortes, naman! Minsan na nga lang makakita ng mukhang anghel dito sa opisina binasag mo naman agad."
"Naku! Kabata bata mo pa pag lalandi na agad nasa isip mo."
"Humahanga lang po ako Miss. Cortes, hindi po ako lumalandi. Tsssk saka Tita ayaw ko namang matulad sa inyo maging isang matandang dalaga."
At doon naman siya nilapitan ng tiyahin at kinurot sa tagiliran, sa kabilang mesa naman ay tawang tawa si Lorraine. Dahil sa ginawa sa kanya ng kanyang tiya Carmel Cortes.