*Steven bar * "Hey! bro, mukhang seryoso ka yata ngayon ah. At aba, teka. Wala ka yatang babaeng kasama ngayon Markus?" Bungad ni Steven pagka pasok ng kanilang private room. "Hoy! Pansinin mo naman ako tulala ka eh, anong problema mo Markus ?" tanong ni Steven, patuloy lang kasi ang pag tunga ni Markus ng kanyang inumin. Kung hindi pa kinalabit ni Steven si Markus ay hindi mapapansin ni Markus ang kaibigan na nasa kanyang tabi. "Ikaw pala, kanina kapa?" tanong niya dito ngunit parang malayo pa rin ang isip. "Tssk... Kanina pa, ano layo nang iniisip mo kasi kaya hindi mo ako napapansin. Saan naba nakarating ang diwa mo? Baka maligaw ka n'yan ?" sambit naman ni Steven, sabay tapik sa kanya. "Problema bro," At agad nagsalin ng alak si Markus sa kanyang baso at ininom. "So, anong

